• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-22 21:39:29    
Rodel Martines, Lebon Lee at Jude Lago, sumusuporta sa Beijing Olympics

CRI

Ang Olympics ay idinaraos tuwing apat na taon sa iba't ibang bansa para mai-promote ang peace and friendship. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit may mga grupo na naglalagay ng sagabal sa pagdaraos ng Beijing Olympics four months from now. Sana naman igalang nila ang Olympics at hayaan nilang maidaos ito nang walang sagabal sa China. Hindi nila dapat gamiting sangkalan ang Beijing Olympics para i-promote ang kanilang sariling interes.

Rodel Martines

 

Napakarami nang nagawang hakbang ang China para masigurong ligtas ang hanging malalanghap ng mga manlalaro sa Beijing Olympics. Ang pinakahuling hakbang na ginawa ng China ay iyong pagbabawal sa paninigarilyo sa public places na gaya ng hotels and restaurants. Malaki ang paniwala ko na ang hangin sa Beijing sa pagdaraos ng Olympics ay hindi na isyu ngayon.

Lebon Lee

 

Isa lamang ako sa libu-libong tagapakinig ng CRI na sumusuport sa Olympics. Maski maglunsad pa kayo ng signature campaign, nakahanda rin akong pumirma. Mas nakakarami ang mga bansa, lider ng mga bansa, grupo, organisasyon at indibiduwal na sumusuporta at tumitindig sa likod ng Olympics, kaya sana magising sa katotohanan ang mangilan-ngilang grupo na nagpupumilit na mag-ingay.

Jude Lago