• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-22 21:41:37    
Mamamayang Tsino, makakabisita sa museo nang walang-bayad

CRI
Walang bayad na binuksan na ang mga museo ng Tsina ngayon at ito ay isang hakbanging nakakaginhawa sa mga mamamayang Tsino para makatugon sa kanilang pangangailangang kultural.

Noong Marso ng 2007, ang Lunsod Shenzhen ay unang lunsod sa buong bansa na kung saan ang lahat ng museo ay bukas sa publiko nang walang bayad. Kasunod nito, noong Nobyembre, ipinatalastas ng Lalawigang Hubei na walang bayad na binuksan ang Hubei Provincial Museum. Ito ang tanging komprehensibong museo ng Hubei sa antas na probinsiyal na bukas nang walang bayad.

May mahigit 200 libong relikya roon na kinabibilangan ng napakahalagang Bronze Chimes na nahukay sa libingan ni Marquis Yi of the Zeng State at espada ni Haring Goujian. Sa museong ito, kinapanayam ng mamamahayag si Zhang Wu, isang laid-off worker na may kasama niyang anak, sinabi niyang:

"Ang dating bayad ng museo ay 30 Yuan RMB, ngayong walang bayad. Binigyan nito ang mga anak ng mga mahihirap na pamilya natulad namin ng pantay na pagkakataon para makapagtamasa ng yamang pampubliko at lubos na winelkam ito namin."

Aktibo ang pamahalaang sentral sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Sinabi ni Zhou Heping, pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina, na pawang inilaan ng pamahalaang sentral at lokal ang maraming pondo para rito para maigarantiya ang karapatan at interes ng publiko sa iba't ibang paraan. Sinabi niyang:

"Ilalaan ng pamahalaang sentral ang 1.2 bilyong Yuan RMB para tulungan ang iba't ibang uri ng museo sa buong bansa para walang bayad na buksan sa publiko. Isinagawa pa ng mga pamahalaang lokal ang hakbanging gaya nang ipagbayad ng pamahalaan ang mga bisitor."

Inilaan ng pamahalaan ng Hubei ang 30 milyong Yuan RMB bawat taon para mapanatili ang takbo ng museo. At ilalaan rin ng pamahalaan ng Beijing ang mahigit 100 milyong Yuan RMB para ipagbayad ang mga residente.