• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-23 21:00:42    
Mga museo ng Tsina, walang bayad na binuksan

CRI

Ayon sa plano ng pamahalaang Tsino, ang lahat ng museong pumpubliko, museong memoryal at national base para sa pagsasagawa ng makabayang edukasyon ay walang bayad na bubuksan sa loob ng dalawang taon. Ipinalalagay ni Zhang Bo, pangalawang puno ng State Cultural Relics Bureau, na dahil sa walang bayad na pagbubukas ng mga museo at iba pa, itinaas ang kahilingan sa pamamlakad ng mga museo at organong kultural. Sinabi niyang:

"Dapat pataasin ang lebel at kakayahan ng serbisyo. Ngayon, mas marami ang mga bisita at dapat pabutihin ang kakayahan ng pamamalakad at pasilidad ng seguridad ng mga museo. Para tuparin ito, dapat pataasin ng museo ang lebel nito sa mekanismo, estruktura at pasilidad."

Bago ang pagbubukas nito, ang mga kawani ng mga museo ay sumailalim na sa iba't ibang pagsasanay sa kalagayan nang maganap ang pangkagipitang pangyayari. At ipinalabas ng mga museo sa pamamagitan ng mass media ang paraan para sa maagang pagkuha ng tiket at iba pa.

Si Andrew Padacides ay isang estudyante mula sa Britanya, nakuha niya ang tiket ng Capital Museum sa pamamagitan ng precontract, ikinasiya niya ang pasilidad at serbisyo rito. Sinabi niyang:

"Moderno ang pasilidad. Sa harap ng lahat ng relikya, may isang plakard na may sulat sa Ingles at nakakaginhawa ito sa mga dayuhan."

Sa panahon ng pagdaraos ng 2008 Beijing Olympic Games, tinatayang maraming dayuhang bisita at manlalaro ay dadalaw sa museong Tsino para malaman ang kultura ng Tsina. Hinggil dito, sinabi ni Kong Fansi, puno ng State Cultural Relics Bureau ng Tsina, na:

"Handang handa na kami para tanggapin ang mga bisitang dayuhan. Mayroon kaming mga pasilidad para igarantiya ang seguridad ng mga bisita at aktibong naghahanda kaming mabuti sa iba't ibang larangan. Tiyak na ikasisiya ang mga bisita."