• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-23 21:03:23    
Mga tradisyonal na meryenda ng Beijing

CRI
Kung makakaparito kayo sa Beijing sa taong 2008 para manood ng Olympic Games, bukod sa pagkain ng mga masarap na lutuing Beijing na gaya ng "Beijing duck" at "instant-boiled mutton", dapat subukin din ninyong kumain ng mga tradisyonal na meryenda dito. Ngayon bibisitahan natin ang mga eskinita ng Beijing para tikman ang mga "orig" na Beijing snack na may ilang daang taong kasaysayan.

Kung pag-uusapan ang mga traditional snack ng Beijing, ang unang-unang dapat maganggit ay ang "quick-boiled tripe". Alam ba ninyo kung ano ang ginagamit sa pagluluto nito? Lamang-loob ng tupa at kalabaw. Hinihiwa nang pahaba at pinakukuluan nang mabilis. Bukod sa mga sariwang sangkap, ang style ng paghihiwa ng lamang-loob at oras sa pagkukulo ay nagsisilbing pinakamahalagang bagay sa pagluluto ng ulam na ito. Hindi itong magiging masarap kung pinakuluan nang matagal. Ang pinakamagandang lasa ng boiled tripe ay tulad ng nginuyang sa sariwang pipino.

Ang "Baodu Feng", isang kilalang kantina sa Beijing na may 100 taong kasaysayan ay matatagpuan sa isang eskinita na malapit sa Qianmen, ditto ninyo matitikman ang orihinal na quick boiled tripe. Maliit ang kantina, pero, maraming taong pumapasok araw-araw.

Inilahad ni ginoong Feng Guangju, ikatlong henerasyon na boss ng naturang kantina na dapat isama ang espesyal na pampalasa na pinaghalong ang soy sauce, suka, sesame oil, sesame paste, fermented bean curd, shrimp sauce, chopped green onion, coriander, garlic juice at chilli oil. Bukod dito, mayroon ding mga sariling-gawang material. Sinabi niyang,

"Hindi ko ipinaaalam sa iba pang tao ang lihim na material ng pampalasa namin, dahil, napakahalaga ang paraan ng paghahalo ng mga panahog na pampalasa."

Ayon sa mungkahi ni Ginoong Feng, sa kauna-unahang pagtikim ng quick boiled tripe, dapat ninyong piliin ang malambot na lamang-loob ng tupa. Samantala, kung gusto ninyong lutuin ito nang sarilinan, puwede kayong tulungan ng kanilang mga tauhan.

Pagkaraang kumain ng quick boiled tripe, ang cheese na isa pa ring traditional snack ng Beijing, ang dapat magsilbing panghimagas. Kumpara sa iba pang bansa, ang Beijing cheese ay walang iniwan sa yoghurt. Ang "Cheese Wei", ay isang-daang taon nang tindahan sa Beijing na nagpoprodus ng cheese na ito. Inilahad ni ginoong Wei Guanglu, ikatlong henerasyon ng tindahan na ang cheese, ay pangunahin nang isang uri ng pagkain sa palasyo ng emperador ng Tsina. Sinabi niyang,

"Ang isang kaibigan ng lolo ko ay kusinero sa palasyo ng emperador. Sa panahong iyon, mahirap ang pamilya ko, at itinuturo ng kaniyang kaibigan ang paraan ng pagluluto ng miryenda para sa pamilya. Kaya, ang cheese ay talagang nagging isa uri ng mga pagkain sa palasyo ng emperador."

Nang mabanggit ang paraan ng pagpoprodyus ng cheese, inilahad ni ginoong Wei na hinahaluan ng kaunting alak na gawa sa bigas ang gatas ng baka bilang pampapatigas; pagkatapos, tinutusta ito nang isang oras sa tustahan, at bilang panghuli, inilalagay sa freezer para palamigin. Nitong ilang taong nakalipas, kilalang kilala ang cheese na gawa ni Wei, at ang karamihan sa kanyang mga suki ay mga kilalang personahe ng sirkulong pangkultura at mga kamag-anak ng emperdor. Si Pu Jie, batang kapatid ni Haring Pu Yi, huling emperador ng Tsina ang madalas na pumaparito sa tindahan ni Wei. Minsan, isang Aleman, ang kumain ng cheese ni Wei, hindi niya ito nalimutan. Pagbalik niya ng Alemanya, nagpadala siya ng postcard kay Ginoong Wei.

Ang "Douzhi", na isang fermented drink na yari sa mung bean, ay isa pa ring tradisyonal na inumin ng Beijing. Pinatutunayan ng kasaysayan na 200 taon na mahigit ang inuming ito.

Ang "Jinxing soya-bean milk canteen" ay isa pa ring orihinal na kantina sa Beijing. Si ginoong Wang Ruiming ay isang suki ng kantinang ito, sinabi niyang lubos na nagustuhan ng lahat ng miyembro ng kaniyang pamilya ang soy-bean milk. Sinabi niyang,

"Noong ako ay bata pa, gusto-gusto ko ang inuming ito. At ito ay mahusay na pampagana at pamatid-uhaw sa panahon ng tag-init."

Ngayong araw, kaunti na lamang ang mga "old Pekinges", na tulad ni Ginoong Wang, na mahilig uminon ng soya-bean milk. Pero, sinabi ng may-ari ng tindahang ito na marami pa rin ang may gusto ng inuming ito, at dahil nga dito, paminsan-minsan, hindi nakakapagsara ang tindahan sa gabi dahil sa napakaraming suki.

Bukod sa nasabing mga tradisyonal na pagkain sa Beijing, naging kilala rin ang Bingtanghulo, Suanmeitang, Xingrendoufu at iba pa. Kung makakaparito kayo sa Beijing sa taong 2008, dapat ninyong tikman ang mga tradisyonal na pagkain ng Beijing.