• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-24 15:48:29    
Abalang-abalang Koboy, Bising-busy Ako, Jay Chou

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Mareng Gina, kung nakikinig ka, kumusta na iyong Chinese restaurant mo? Malakas ba?

Iyan, narinig ninyo si Jay Chou sa kanyang "Abalang-abalang Koboy" na hango sa album na "Bising-busy Ako."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Meron tayong snail mail mula sa Zambales. Ang nagpadala ay si Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan. Sabi: "Tama ang mga programa ng China para makontrol ang pollution sa hangin ng bansa. Tama ang paghimok nito sa mga residente na gumamit ng public transport system sa halip ng private cars para mabawasan ang usok ng mga sasakyan sa daan. Tama rin ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko. Ang usok ng sigarilyo ay nakakadagdag sa pollution sa hangin bukod pa sa pagiging masama sa kalusugan ng mga tao."

Salamat, Pablo. Kumusta ka na?

Barry Manilow at ang semi-klasikal na awiting "Beyond the Sea" na lifted sa kanyang album na "The Ultimate."

Snail mail naman mula sa Makati. Sabi ni Malou Tiu ng Dasmarinas Village: "Ngayon kailangan natin ang hybrid rice. Medyo kinakapos tayo sa palay. Dapat talagang palakihin ang ani para makahabol sa pagdami ng tao. Sana ituloy ng gobyerno ang programang hybrid para magkaroon tayo ng security sa butil at mapataas tuloy ang kita ng mga magsasaka. Dapat bigyan ng gobyerno ng incentives ang mga magsasaka para sipagin silang magtanim."

"I Wish You Love," inihatid sa ating masayang pakikinig ni Natalie Cole at hango sa collective album na "Closer: When Pop Meets Jazz."

Tunghayan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ng 0086 135 2023 4755: "Kahit na anong sabihin nila, kahit na anong gawin nila, hindi nila mapipigilan ang Beijing Olympics. Manahimik na lang sila at manood."

Thank you so much.

Sabi naman ng 0086 138 1140 9630: "Alam ko na hindi masasayang ang pagod ng host Beijing sa preparation para sa summer Games 2008. Lahat ay nag-aasam na mapanood ito!

Salamat din sa iyo.

Iyan naman si Quincy Jones sa awiting "Ai No Corrida" na lifted sa collective album na Jazz Moods Volume 1.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.