Bukod dito, upang enkorahehin ang paglikha ng kilalang tatak ng mga bahay-kalakal, isinapubliko ng lokal na pamahalaan ang espesiyal na patakaran, alalaong baga'y, kung lilikha ng pambansang kilalang tatak, gagawaran ang bahay-kalakal ng 500 libong yuan RMB, kung lilikha ng panlalawigang kilalang tatak, gagawaran naman ng 200 libong yuan RMB. Isinalaysay ni Guo Jianbo, Puno ng Bayan ng Datang na:
"Ang inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya ay buhay ng mga bahay-kalakal at buhay ng industriya ng medyas."
Danjiya Group ay isa sa mga bahay-kalakal sa Datang na maagang nagpalaki ng laang-gugulin sa siyensiya at teknolohiya. Noong 2003, itinatag nito ang isang instituto ng pananaliksik at sentro ng serbisyo ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya ng medyas. Maunlad ang maraming uri ng produkto nito sa bansa at maging sa daigdig.
Huahai Spandex Ltd. ay isa sa 2 hi-tek na bahay-kalakal sa Datang, isinalaysay ni Du Chunshu, pangalawang tagapangasiwa ng Huahai na nitong ilang taong napalipas, nagsisikap ang kaniyang kompanya para sa pananaliksik ng Spandex--isang mahusay na kemikal na himayonay. sinabi niyang:
"May isang sentro ng pananaliksik ang aming kompanya, ayon sa iba't ibang pangangailangan ng pamilihan, naggagalugad ng iba't ibang uri. Bukod dito, may isa pa maliit na laboratoryo kami."
Tulad ng Danjiya at Huahai, marami pa ang ganitong bahay-kalakal sa Datang na nagbibigay ng mas malaking pansin sa pananaliksik na pansiyensiya at panteknolohiya at sa nagsasariling inobasyon, sinabi ni Guo Jianbo na:
"Dapat mahusay na malutas ang isyu ng pananaliksik at paggagalugad ng isang industrya, kung hindi, hindi tataas ang added value ng mga produkto, at hindi mahaba ang buhay ng produkto."
Sa kasalukuyan, may napakamaayos na sistema ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya sa Datang at bumubusog ng nagsasariling inobasyon ng bagong bitaliti sa Datang.
|