• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-24 16:31:15    
Mga kaibigang ASEAN, bumati sa Beijing Olympic Games

CRI
Bumisita kahapon sa ilang pasilidad ng Beijing Olympic Games ang mga kalahok sa porum ng Tsina at ASEAN sa radyo at telebisyon. Pinapurihan ng mga kaibigang ASEAN ang gawaing preparatoryo ng Beijing Olympic Games at binating magtatagumpay ang Olympiada. Bukod dito, kinondena rin nila ang pagtatangka ng iilang tao hinggil sa paggamit ng Olympiada para sa layuning pulitikal.

Magkakasunod na bumisita kahapon sa pangunahing stadium ng Beijing Olympic Games – National Stadium at Olympic Swimming Venue -- National Swimming Centre. Sinabi ni Sypha Nonglath, presidente ng National Radio Station ng Laos na ang mga venues ng Beijing Olympic Games ay pinakamagandang venues na nakita niya hanggang ngayon. Sinabi niya na:

"Nang bumisita ako sa mga Olympic Venues, nakita kong puspusang nagsisikap ang mga mangagawa para sa konstruksyon ng mga pasilidad. Talagang maganda ang mga ito. Tuwang tuwa ako dahil ang mga venues na ito ay pinakamaganda sa lahat ng mga venues na nakikita ko sa buong buhay ko. Malaki ang mga natamong bunga ng gawaing preparatoryo ng Beijing Olympic Games, taos-pusong hinahangad kong maalwang idaraos at magtatagumpay ang Beijing Olympic Games."

Bukod sa gawaing preparatoryo ng Olympiada, pinagtutuunan ng malaking pansin ng mga kaibigang ASEAN ang isinasagawang torch relay ng Beijing Olympic Games. Isinalaysay ni Hoang Minh Nguyet, pangalawang presidente ng Voice of Vietnam na darating ng kaniyang bansa ang Beijing Olympic Flame sa katapusan ng buwang ito, buong pananabik aantabayanan ng mga mamamayan ng Biyetnam ang torch relay sa kanilang bansa. Sinabi niyang:

"Pagkaraan ng paghahatid sa maraming bansa, darating ng Biyetnam ang Beijing Olympic Flame. Para sa mga mamamayan ng Biyetnam, ang paghahatid sa ating bansa ng Olympic Torch ay talagang isang karapat-dapat maasahang bagay, lubos na inaasahan namin ang pagdating ng Olympic Flame."

Magkakahiwalay na kinondena rin ng mga kalahok na kinatawan ang pagtatangka ng iilang tao hinggil sa paggamit ng Olympiada para marating ang layuning pulitikal. Ipinahayag ni Sasa Djuarsa Sendjaja, tagapangulo ng Indonesian Broadcasting Committee na mali ang pagpapaugnay ng palakasan at pulitika. Sinabi niyang:

"Gusto kong ipaalam sa ilang tao sa daigdig na huwag i-uganay ang palakasan sa pulitika. Para sa mga karaniwang mamamayan, piangtutunan nila ng malaking pansin ang Olympiada, sa halip ng pulitika."

Sa kasalukuyan, mahigit 100 araw na lang naiawan para sa pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Kauganay nito, pawang ipinahayag ng mga kaibigang ASEAN na magtatagumapay ang palarong ito at magkakamit ito ng karangalan para sa buong Asya. Ipinahayag din ni Antonio Ventosa, direktor ng Kapisanan ng mga broadcasters ng Pilipinas ang kaniyang taos-pusong pagbati. Sinab niyang: