• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-25 19:23:44    
Responsible Journalism Kailangan sa Beijing Olympics

CRI
Ngayong gabi, maririnig ninyo ang mga reaksiyon ng ilang tagapakinig sa hindi balanseng pag-uulat ng Western media sa ginanap na seremonya ng pagsisindi ng banal na tanglaw ng 2008 Beijing Olympics at sa paglalakbay ng sulo sa mga pangunahing lunsod ng iba't ibang bansa.

Anang mga tagapakinig, ang mga negatibong komentaryong ito ng mga reporter ay naglalayong sirain ang imahe ng Beijing bilang host ng 2008 Olympics at ng China bilang mabilis na umuunlad na basa sa Asya. Sinabi nila na ang mga professional newsmen ay hindi dapat magbigay ng personal na komentaryo sa kanilang pagbabalita at dapat iulat lamang nila ang kanilang nakikita nang walang dagdag at walang bawas.

Ang isa sa mga tagapakinig na nag-react sa istilong ito ng pag-uulat ng Western media ay si Eddie Rodriguez ng Maynila. Sinabi niya:

"Parang napupuna ko na hindi ata balanse ang pagbabalita ng foreign media sa pagsisimula ng torch relay ng 2008 Beijing Olympics at maging sa pagpapatuloy ng relay… Nilalagyan nila ng side comments ang kanilang report kaya nawawala ang pagiging objective nito. Bilang mga professional media practitioners, dapat laging objective sila sa kanilang paghahatid ng balita. Hindi nila dapat dagdagan o bawasan ang mga pangyayaring kanilang nakikita at dapat nilang iwasan ang mga haka-haka. Malaki ang pagod ng Beijing sa paghahanda para sa summer Olympics. Hindi ito dapat masayang."

Si Eddie ay isang private contractor at ang kanyang contracting firm ay ay matatagpuan sa San Andres, Manila.

Sabi naman ng HRM student na si Jennelyn Orendain, ang baluktot na pag-uulat ng Western media at kanilang pagiging bias ay isang paglabag sa ethical standard ng news reporting. Sana raw matuto silang mag-ingat para hindi sila matawag ng mga hindi propesyonal.

"Sa tingin ko, lumalabag ang Western media sa ethical standard ng news reporting sa kanilang distorted reporting ng mga pangyayari hinggil sa nalalapit na Olympics at maging sa mga pangyayari hinggil sa China. Nakikita ang kanilang pagiging bias sa misleading reports na kanilang ipinalalabas. Pati mga isyung pangkabuhayan at pampulitika ay iniuugnay nila sa Olympics samantalang alam naman nila na ang Olympics ay Isang walang-kaugnayan- sa-pulitikang global athletic competition. Ang mga baluktot nilang pag-uulat ay nakakasira hindi lang sa gaganaping Beijing Olympics kundi pati na rin sa Olympic Games mismo. Sana matuto naman silang mag-ingat sa kanilang pagbabalita. Nakakasakit sila ng damdamin ng iba."

Pero para naman sa maybahay na si Fe Loren ng Sta. Ana, Manila, mas marami pa rin naman ang mga responsableng mamamahayag kaya hindi kayang ilihis ng mangilan-ngilang iresponsable ang isip ng mga tao sa tunay na layon at diwa ng Olimpiyada.

"Kung may lumalabas na negative news hinggil sa Beijing Olympics, kaunti lang naman ang mga iyon kung ihahambing sa mga positive news. Mas marami naman ang mga responsible journalists sa iba't ibang panig ng mundo kaya hindi kayang ilihis ng mangilan-ngilang irresponsible newsmen ang atensiyon ng mga tao sa tunay na layon at diwa ng Olympics at sa tunay na kalagayan ng paghahanda ng Beijing para sa summer Olympics. Malaki ang natatanggap na suporta ng Beijing Olympics mula sa different sectors ng iba't ibang bansa kaya wala nang makapipigil sa makasaysayang Palarong ito."

Sabi nila, sana raw maging responsable ang lahat ng mga mamamahayag na magkokober ng 2008 Beijing Olympics para hindi masayang ang pagod ng lunsod na punong-abala…

Ngayon, alamin naman natin kung ano ang sinasabi ng mga mensahe ng ating textmates.

Mula sa 910 340 8695: "Kuya Ramon, ako rin, kasama sa mga supporters ng 2008 Beijing Olympics. Nararamdaman ko na ang pagbubukas nito sa August 8. Birthday ko yun!"

Mula naman sa 001 971 634 6895: "Dapat igalang ng bawat henerasyon ang tradisyonal na palarong minana pa natin sa sinaunang Gresya!"

At mula naman sa 0049 242 188 210: "Ang mga grupong naninira sa Beijing Olympics ay mga inclined-to-politics at hindi mga propesyonal na atleta. Wala silang "K" sa 2008 Beijing Olympics!"

Tunghayan naman natin ang mga liham ng ilang tagapakinig.

Sabi ni Alex Roman ng Dinalupihan, Bataan: "Malapit na ang Olympics. Sana magkaroon ng mga sponsor ang Filipino athletes. Kapos ang budget na ipinagkaloob sa kanila ng Kongreso ng Pilipinas. Mabuti pa iyong mga naglalaro for pay, malaki na ang premyo, marami pang padrino, sumisikat pa at nagiging bayani. Ang mga pambansang manlalaro ng Pilipinas ay nananatiling unsung heroes."

Sabi naman ni Maria Carolina Lansang ng Shunyi, Beijing, China: "Kuya Ramon, nakakalungkot ang ginagawang pagdadawit ng foreign media sa Beijing Olympics sa mga isyung ginagamit ng mga agresibong grupo para siraan ang China. Ito ay unbecoming of a professional journalist. Dapat sila ay laging objective at hindi nakikisawsaw sa mga isyung laging ipinag-iingay ng mga self-righteous groups and organizations. Dapat maging factual at fair sila sa kanilang pagbabalita. Hindi nila dapat abusuhin ang kalayaan sa pamamahayag."

At sabi naman ng bahagi ng snail mail ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Tama ang mga programa ng China para makrontol ang pollution sa hangin ng bansa.Tama ang paghimok nito sa mga residente na gumamit ng public transport system sa halip ng private cars para mabawasan ang usok ng mga sasakyan sa daan. Tama rin ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko. Ang usok ng sigarilyo ay nakakadagdag sa pollution sa hangin bukod pa sa pagiging masama sa kalusugan ng mga tao."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga liham, Roman, Caroline at Pablo.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edisyon ng Dear Seksiyong Filipino 2008 sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.