70 milimetro ang diyametro at 9 milimetro ang kapal ng mga medalya ng 2008 Olympic Games. Sa harapan ng medalya nililok ang dibuho ng tumatayong Victory Nike na may pakpak at Panathinakos Arena ng Greece. Ang mga dibuhong ito ay angkop sa tadhana ng International Olympic Committee. Sa likod naman, may isang jade ng nagkakaibang kulay alinsunod sa ginto, pilak at tanso ang medalya at sa gitna ng jade, iniukit ang emblem ng Beijing Olympic Games.
Ang pagdidisenyo ng ganitong medalya ay batay sa "bi", antigong jade piece ng Tsina at ipinakikita nito ang malalimang katangiang Tsino.
|