Ang Yellow River sa Lalawigang Shaanxi, Hilagang Kanlurang Tsina, ay itinuturing na siyang duyan ng sibilisasyong Tsino. Ang Heyang County, may layong 160 kilometro sa hilagang silangan ng Xi'an, kapitolyo ng lalawigan, ay isa sa pinakamaagang purok panahanan sa kahabaan nito. Dahil dito, ito'y naging isang lugar na pinagbaunan ng mga sinaunang relikyang pangkultura at folkway. Ang isa sa mg aporma ng folk entertainment na pinagmulan at nananatili pa rin sa Heyang, ay ang marionette show nito.
Ang puppetry ng Heyang, pati ng sa Quanzhou ng lalawigang Fujian sa timog silangan ng bansa, ay itinuturing na siyang pinakatunay na folk performance art sa Tsina. Ang Heyang marionettes ay mga likha ng sculptured art. Ang kanilang paraan ng paglikha ay halos hindi nagbabago sapul pa noong ika-17 siglo, nang itanghal iyon sa kauna-unahang pagkakataon. Ang puppet show ng Heyang ay popular noong pang unang dako ng ika-20 siglo, na noo'y may 20 malaking tropa ng pagtatanghal ang Heyang at may mas maliliit pang kompanya sa halos lahat ng kanayunan.
Masalimuot ang paraan ng paggawa ng marionette. Ito ay halos may taas na mula 80 hanggang 90 sentimetro at my bigat na mula 3.5 hanggang 5 kilo. Ang ulo ay karaniwang inuukit mula sa puno ng willow, na ang mukha ay kasinglapad ng palad. Yari sa kawayan ang katawan. Ang tipikal na ulo ng Heyang puppet ay malapad ang noo, mababa ang kilay at bilog na bilog ang panga. Ang babaeng puppet ay may bilog na ilong at manipis na labi. Kinakabitan ng mekanismo ang loob ng ulo upang maigalaw ng puppet ang kanilang mata, kilay at bibig, para din makapagbunga ng apoy. Ang pagtatanghal ay karaniwang sinasaliwan ng live rendision ng Shaanxi opera.
Ang mga tagapagtanghal ng Heyang puppet ay nakatayo sa isang 1.2 metrong taas na platapormang yari sa kahoy at nasa tanghalan na may kurtina sa likod na siyang umaaktong backdrop. Pinakikilos ang mga puppet sa pamamgitan ng lima hanggang 30 tale. Ang pinakamahaba ay karaniwang mula tatlo hanggang apat na metro. Ang mga babaeng marionette ay nangangailangan ng mas maraming tali upang mapagalaw ang kanilang ulo, taynga, kamay, baywang at paa, gayun din ang kanilang katawan, siko at tuhod. Nagagawa ng isang mahusay na tagapagtanghal ng puppet na pasakayin ang puppet sa kabayo, paupuin sa dedan chair, pagamitin ng espada at pasugurin na mga kilos na napapanood sa mga Chinese opera, na gaya ng pagwawaygayway ng manggas, sa kataka-taka at mahiwagang paraan. Sa tatlong pangunahing estilo ng Chinese puppetry, na ang dalawa aya ng stick at blove puppet, ang marionette ang siyang pinakamahirap itanghal. Karamihan sa mga nagtatanghal ng Heyang puppet ay mga lokal na magsasaka na nagtatanghal kung hindi abala sa pagsasaka. Sila'y may tatlo hanggang limang taong pagsasanay.
Ang tradisyon ng pagtatanghal ng Heyang marionette ay nagpatuloy sa pasalitang paraan. Ang nakapanlulumo, isa itong sining na malapit nang maglaho, kahit na itinalang di-nasusulat na pamanang kultural. Marami ang umaasang ang matandang pagtatanghal na ito ay makokonserba para sa kapakanan at kasiyahan ng mga susunod na henerasyon ng saling-lahi ng daigdig.
|