• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-28 17:40:10    
Ang kuwento ng isang beteranong cameraman

CRI

Si Huang Cherngde ay isang press-photographer ng Guiyang Daily ng lalawigang Guizhou ng Tsina. Nitong 10 taong nakalipas, maraming beses na naglakbay-suri at nagkober siya sa rehiyong kanluran ng Tsina. Inirekord niya ang maraming aksyon ng pagsisira sa kapaligiran sa pamamagitan ng kaniyang kamera at pen para manawagan sa mga mamamayang pahalagahan ang pangangalga sa kapaligiran. Simulan niya kamakailan ang isa pang paglalakabay para sa pangangalaga sa kapaligiran sa rehiyong kanluran. Sa palatuntunan ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang kuwento ni Huang.

Si 53 taong gulang na Huang Chengde ay isang beteranong kameraman at nagtatrabaho nang 25 taon sa Guiyang Daily. Noong ika-8 at ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, nakatawag ng kaniyang pansin ang ilang isyu ng pagkasira sa kapaligiran sa proseso ng pagpapaunlad ng kabuhayan sa rehiyong kanluran ng Tsina. Para asintadong malaman ang mga may kinalamang kalagayan, determinado siyang maglakbay-suri at magkober sa rehiyong kanluran para makatawag ng mas maraming pansin ng buong lipunan. Kaugnay nito, sinabi niyang:

"Ang isyu ng kapaligirang ekolohikal ay susi para sa pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong kanluran. Dapat may sense of responsibility ang aming mga mamamahayag. Simple ang aming salawikaan: nagpapakahirap para sa aming lupang-tinubuan – daigdig. Umaasa akong makapagbibigay ng kaunting ambag sa pangangalaga ng kapaligiran sa aspekto ng propaganda at pamamahayag."

Noong 1997, Sinimualan ni Huang ang kaniyang kauna-unahang biyahe sa rehiyong kanluran na may dalang kaniyang kamera at ilang kasuutan lamang at sakay ng isang motorbike. Ang populasyon sa rehiyong kanluran ay sakop sa sangkatalo sa populasyon ng buong bansa at ang saklaw nito ay katumbas nang 70% sa buong Tsina. Dahil sa mga likas at pangkasaysayang dahilan, mas atrasado ang kabuhayan sa rehiyong ito kumpara sa rehiyong silangan ng Tsina.

Para kay Huang, ay hindi kaniyang mapagod na paglalakad, higit na nakakasakit sa kaniyang puso ay tanawing sira-sirang kapaligirang ekolohikal na nakikita niya sa kahabaan ng kaniyang dinadalaw na lugar. Inirekord niya ang lahat ng nakikita at naririnig niya.