Sinabi niyang dahil sa masamang kondisyon ng pampamumuhay, walang anumang kamalayan sa pangangalaga sa kapaligiran ang maraming tao sa rehiyong kanluran. Sinabi niyang:
"Hindi alam ng maraming tao ano ang ibig-sabihin ng pangangalaga sa kapligiran. Kung iniulat ko ang grabeng polusyon sa ilang lugar, palagiang nagreklamo ang mga lider at pati ang mga mamamayan sa lokalidad. Sinabi nilang napakahirap ng pagpapaunlad ng kabuhayan, bakit sila ang pinupuna? Dahil kulang sila sa paraan para ikabubuhay. Kinakalbo nila ang mga kakahuyan. Dahil kailangan nila ang lupa para taniman ng iba't ibang pananim. Kaya, hindi nila kinakatigan ang aking gawain, dahil hindi naiintindihan nila ang kalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Hanggang sa kasalukuyan, 6 na beses na naglakbay-suri si Huang sa rehiyong kanluran at nag-iwan siya ng kaniyang yapak sa lalawigang Shaan'xi, Gansu, rehiyong awtonomo ng Xinjiang at iba pang 9 na lalawigan na umabot sa mahigit 200 libong kilometro ang kaniyang kabuuang biyahe.
Sa kabutihang palad, hindi naaaksya ang pagpapakahirap ni Huang. Nakatawag ang kaniyang ulat ng pansin ng mga lider at dalubhasa. Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalakas ang kamalayan sa pangangalga sa kapaligiran ng mga mamamayan sa rehiyong kanluran, walang humpay na lumalaki din ang laang-gugulin ng pamahalaan sa pangangalga sa kapaligiran. Kumpara sa noong 10 taon na ang nakaraan, bumuti nang malaki ang kalagayan ng pangangalga sa kapaligiran ng rehiyong kanluran. Sinabi ni Huang na:
"Sa kasalukuyan, bumuti nang malaki ang kapaligirang ekolohikal, walang naganap na anumang malawakang pagputol sa punong-kahoy sa rehiyong ito. Nagsagawa ang aming pamahalaan ng isang serye ng mabisang hakbangin at unti-unting bumabalik sa natural na kalagayan ang kapaligirang ekolohikal sa maraming purok sa dakong kanluran ng bansa."
|