Natapos na sa kabuuan ang konstruksyon ng Olympic Village para sa Beijing Olympic at Paralympics Games at sinubok-operasyon na ang mga kagamitan ng koryente, pagsuplay ng tubig at air-conditioning. Anya pa, sa proseso ng konstruksyon, isinaalang-alang ang pangangailangan sa renewable energy, pagtitipid ng enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.
Sa panahon ng Beijing Olympic at Paralympics Games, tatanggapin ng Olympic Village ang mahigit 16 na libong manlalaro at opisyal.
|