• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-30 20:44:43    
Isang bantog na mananayaw ng Tsina

CRI

Mula roon, malaki ang naging pagbabago ng pamumuhay ni Huang. Sinamantala niya ang pagkakataon hangga't maaari para mapa-promote ang kultura ng Tsina sa ibayong dagat, samantala, walang humpay na nagsisikap siya sa paglikha ng sayaw. Noong 1999 at 2002, dalawang beses siyang nagpalabas sa E.U. at nanood sa kanyang palabas si Gerald Ford, dating Pangulo ng E.U..

Dumarami nang dumarami ang pagtutulungan ni Huang at mga bantog na artista sa loob at labas ng Tsina. Noong 2001, nilikha niya ang malakihang sayaw "Jin Wu Yin Shi" at sa susunod na taon, ipinalabas nito sa Theatre des Champs-Elyses ng Pransya para sa propaganda ng pag-alok ng Tsina sa pagdaraos ng 2010 World Exposition.

Noong Pebrero ng kasalukuyang taon, magkakasamang idinaos sa Barcelona ng Espanya nila ng mga bantog na artistang Tsino ang pagtatanghal "Olympic Songfest" para makapagbigay ng ambag sa 2008 Beijing Olympic Games. sinabi ni Huang na katulad ng bawat na Tsino, umaasa siyang makapag-aambag sa Beijing Olympic Games. sinabi niyang:

"Para sa akin, kapag kinailangan ng Olimpiyada, magsisikap ako para rito. Kinakatigan ko ang Beijing Olympic Games at iniibig ko rin ang palakasan. Gusto kong gawin ang lahat para sa Olimpiyada."

Ngayon, nagiging mas malawak ang tanghalan ni Huang Doudou. Inilimbag ang kanyang libro, naghahanda siya para sa kanyang pagtatanghal ng mga pintura at lumahok din siya sa TV program. Ang tanghalan niya ngayon, anya, ay hindi iyang maliit na tanghalan ng sayaw noon, sinabi ni Huang na:

"Bilang isang artista, ang pinakamahalaga ay iyong kaisipan, ipakita mo ito sa paraang pansining. Para sa akin, ang tanghalan ay hindi tanging tanghalan ng sayaw at naging mas malawak ito. Kasabay ng paglaki ko, mukhang magiging mas malaki ang tanghalan sa hinaharap."