• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-30 20:49:35    
Wu Zhen, watertown sa silangang Tsina

CRI

Matatagpuan sa dakong timog ng Yangtze River, ang Bayan ng Wu Zhen na may matatandang pantalan at mga pabilyon sa tabing tubig, ay isang perpektong pook-pahingahan.

Para sa mga manlalakbay na ang hanap ay pambihirang karanasan sa mga pook na malayo sa mga pangunahing lansangan, ang lugar na dapat nilang puntahan ay ang Wu Zhen, isang watertown na nag-aangkin ng 1,000 taong pamanang pangkultura, sa hilaga ng Lalawigan ng Zhejiang.

Sa pagdaan sa 200-taong gulang na town gate na lubos na napanumbalik sa dati noong 1999, ang mga bisita ay nakakaramdam na parang bumabalik sila sa nakaraan. Mula sa tradisyonal na rice-wine hanggang sa telang habi sa kamay, ang mga kababalaghang ito ay naghihintay sa mga mausyosong manlalakbay sa tahimik na bayang ito.

Ang mga bahay sa kahabaan ng East City River ay hindi katulad ng mga nasa ibang watertowns. Sa halip ng sa mga pampang ng ilog, ang mga gusali na mahigit 100 taon na ang tanda ay itinayo sa gitna ng tubig ngunit hindi nakasayad dito. Ang mga hagdanan ay patungo sa pinaka-ibaba ng bahay at lumilikha ng isang pansariling daungan ng bangka na siya namang itinuturing na pinakamahalagang pag-aari ng bawat naninirahan.

Ang boat boxing, isang aktibidad noong panahon ng South Song Dynasty (1127- 1279) ay lubos na nagpakita ng mahigpit na kaugnayan ng mga taumbayan sa kanilang mga bangka. Noong unang panahon, ang mga tao'y nagsasanay ng martial arts sa kanilang bangka para maprotektahan ang kanilang bayan at madalas silang nagdaraos ng mga eksibisyon sa publiko. Magpahanggang ngayon, kasisiyahan pa rin ng mga bisita ang panonood sa mga nagpapamalas ng ganitong di-pangkaraniwang kakayahan. Ginaganap ng mga mamamangka ang kanilang palabas araw-araw sa pagitan ng alas 8:30 ng umaga at alas 4:30 ng hapon.

Ang God of Fortune Bend ng ilog na isang malawak na lugar ng daang-tubig na iniikutan ng mga bangka ay matatagpuan sa malayong dulo ng bayan. Sa mga watertown, ang isang malaking kurba ay nagsisilbing simbolo ng kayamanan, dahil sa kailangan ng mas malaking mga bangka ang mas malaking espasyo o lugar para mag-maniobra. Ang kurba o bend ng bayan ng Wu Zhen ay pinangangalagaan ng isang dambana ng God of Fortune.

Ayon sa isang alamat, may isa raw mortal na utusan na matapat sa kanyang napakasamang panginoon ang humiwa sa sariling dibdib upang kunin ang kanyang puso at ihandog sa kakila-kilabot na amo bilang pagpapakita ng kanyang pagmamahal. Pagkaraang mamatay, ang naturang utusan ay naging isang bathalang nakatalagang tumulong sa mahihirap--ang Bathala ng Suwerte. Sa ngayon, ang mga taumbayan sa Wu Zhen ay patuloy na naghahandog ng alay sa dambana para sa talismang ito.