Isasalaysay namin sa inyo kung papaanong lumikha ang Shouguang sa Lalawigang Shandong ng pandaigdig na tatak ng gulay sa pamamagitan ng pag-iistandardisa ng produksyon.
Ang lunsod ng Shouguang ay nasa gitna ng peninsula ng Shandong at ito ay may mabuting natural na yaman at kondisyong pantransportasyon. 20 taon na ang nakararaan, nag-imbento si Wang Leyi, puno ng nayon ng Sanyuanzhu sa lunsod ng Shouguang ng isang uri ng greenhouse ng gulay at lumikha ito ng isang pagbabago sa shopping basket ng gulay.
Dahil dito, tinawag ang Shouguang na "bayan ng gulay". Nitong ilang taong nakalipas, ang pagluluwas ng gulay ng Shouguang ay paulit-ulit na lumikha ng bagong rekord at tinagurian ito bilang "shopping basket ng gulay" sa daigdig.
Pero, ilang taon na ang nakararaan, hindi pa maalwan ang pagbebenta ng gulay ng Shouguang sa pandaigdig na pamilihan.
Noong 2002, paulit-ulit na ipinagbawal ang spinach ng Shangdong sa adwana ng Hapon at ito ay nagbigay ng presyur sa mga bahay-kalakal ng pagluluwas. Isinalaysay ni mananaliksik Lang Fengqing sa Akademya ng Agrikultura ng lalawigang Shandong na ang dahilan ng pagtanggi ng mga iniluluwas na gulay ay sa isang dako, hindi umabot sa pamantayan ng mga bansang nag-aangkat ang kalidad ng mga produktong Tsino at sa kabilang dako naman. May posibilidad na artipisyal na pagsasaayos ng bolym ng mga nag-aangkat na bansa. Sinabi niya na:
"Halimbawa, maliit ang pangangailangan sa isang uri ng gulay sa pandaigdig na pamilihan, kaya, artipisyal na pinatataas ang istandard ng acceses na gaya ng pagpapadagdag ng pagsusuri para kontrolin ang pagluluwas at ito ay nagdudulot ng epekto sa mga bahay-kalakal na nagluluwas at magsasaka."
Sa harap ng mahigpit na pandaigdig na kompetisyon, kung gustong alisin ang presyur na dulot ng artipisyal na pagpapataas ng istandard ng acceses, dapat pataasin ang kalidad ng produko. Ang isang mahalagang hakbangin ng Shouguang ay aktibong pagsasagawa ng produksyon batay sa istandardisasyon.
|