Wala pang apat na buwan hanggang sa pagdaraos ng 2008 Beijing Olympic Games, para likhain ang mas mabuting kalagayan para sa Olympiyadang ito, sinasamantala ng pamahalaang Tsino ang pagkakataong ito para mapasulong ang gawain ng pagkontrol sa paninigarilyo.
Kamakailan, ipinalabas ng Beijing ang isang tadhanang humihiling na pigilin ang paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko gaya ng kainan, otel, training centre at resort at nakatawag ito ng malawak na pansin ng mga residente.
Kinakatigan ito ng maraming residente at ipinalalagay nilang ang pagpapigil ng paninigarilyo ay hindi lamang nakakabuti sa kalusugan ng mga mamamayan, kundi nililikha ang mabuti at malusog na kalagayan para sa pagdaraos ng Beijing Olympic Games. Sinabi ni Sun Xiaoya, isang residente ng Beijing, na:
"Buong tatag na kinakatigan ko ang tadhanang ito. Sa lugar na pampubliko o sa pamilya, ang paninigarilyo ay nakakapinsala hindi sa sarili, kundi sa inyong mga kamag-anak at kaibigan. Hindi dapat gawin ito."
Ayon sa pagsasalaysay ng mga dalubhasa, binubuo ng usok ng paninigarilyo ang mahigit 40 carcinogen at ang pinakamapinsala ay nicotine, carbon monoxide at iba't ibang metal compound. Puwedeng ikamatay ang isang sigarilyo ng isang lab rat. Bukod dito, mas mapinsala ang paninigarilyo sa iba pang tao kaysa sa sarili.
Tinukoy ni Yu Hongxian, isang dalubhasa ng China-Japan Friendship Hospital, na sa Tsina, namamatay bawat taon ang mahigit 100 libong tao dahil sa paninigarilyo ng iba pang tao at ang karamihan sa kanila ay bata at kababaihan. Sinabi niyang:
"Walang kamalayan ang bata sa epekto ng paninigarilyo ng ibang tao at madaling mahawahan ng pulmon nila. Ganyan rin ang kababaihan. Ang proprasyon ng paghawa ng lung cancer ng mga taong naaapektuhan ng paninigarilyo sa paligid nila ay mas mataas kaysa sa mga taong Malaya sa paninigarilyo sa paligid."
|