|
Sa Wenchuan, isang bayan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, naganap kahapon ng hapon ang lindol na 7.8 richter scale. Malaki ang lakas at malawak ang apektadong saklaw ng lindol at matinding pagkayanig ang nararamdaman sa mahigit 10 lalawigan at lunsod ng buong bansa. Hanggang alas-7 kaninang umaga, mahigit 10 libong tao sa Lalawigang Sichuan, Gansu, Shaanxi at Munisipalidad ng Chongqing at iba pang lugar ang namatay sa lindol.
Pagkaraang maganap ang lindol, nagtagubilin agad si pangulong Hu Jintao ng Tsina na dapat iligtas ang mga nasugatan sa lalong madaling panahon at igarantiya ang kaligtasan ng mga apektadong mamamayan. Nabuo rin ang punong pamumunuan laban sa lindol na pinangungunahan ni premyer Wen Jiabao. Sa kasalukuyan, dumating na ng Dujiangyan ng Lalawigang Sichuan si premyer Wen para patnubayan ang relief works. Nauna rito, nang lumipad sa nasalantang purok, humiling si Wen sa mga pamahalaan sa iba't ibang antas na ipauna ang pangangalaga sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan at puspusang pabutihin ang pagliligtas at paggamot ng mga nasugatan. Sinabi niya na,
"Humiling ang Komite Sentral ng Partido Komunista at Konseho ng Estado na dapat pumunta sa unang prente ng relief works ang mga namumunong tauhan sa iba't ibang antas para mamuno sa relief works. Nananalig akong sa pamumuno ng partido at pamahalaan, tiyak na mapagtatagumpayan natin ang kalamidad na ito."
Pagkaraang maganap ang lindol, umaaksyon ang iba't ibang kinauukulang departamento ng Tsina at nagsasagawa ng pangkagipitang relief works. Agarang sinimulan ng hukbong Tsino ang emergency response plane. Isinalaysay ni Zhang Jinliang, direktor ng departamento ng pakikibaka ng Chinese People's Armed Police Force (CAPF) na,
"Ayon sa patnubay ng pamahalaan, nagpakilos ngayon kami ng 5 libong sundalo. Bukod dito, iniutos ng CAPF sa 2 libong sundalong nakatalaga sa Lalawigang Sichuan at Qinghai na maghandang mabuti para sa pagbibigay-tulong sa mga apektadong lugar."
Agarang sinimulan naman ng Kawanihan ng Lindol ng Tsina ang emergency response plane at ipinadala ang unang batch ng working group na binubuo ng 33 tao at isang 183-tao na pangkagipitang rescue team sa kalamidad ng lindol papuntang mga apektadong lugar. Sinabi ni Zhang Hongwei, tagapagsalita ng kawanihang ito na,
"Pagkaraang maganap ang lindol, agarang sinimulan ng kawanihan ng lindol ang emergency response plane. Bukod dito, binuo namin ang rescue team para isagawa ang pangkagipitang pagbibigay-saklolo. Sa kasalukuyan, tinatalakay ng aming kawanihan ang hinggil sa pag-aanalisa sa tunguhin ng kalagayan ng lindol."
Nagpadala naman ang Ministri ng Kalusugan ng mahigit 10 grupo na kinabibilangan ng mga propesyonal na tauhang medikal at tauhan sa pagpigil sa sakit. Bukod dito, sinimulan ng National Disaster Reduction Commission ang national second-degree emergency response. Sinabi ni Zheng Yuanchang, opisyal ng relief department ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina na,
"Sinimulan ng aming ministri ang second-degree emergency response at ipinadala ang relief working group sa mga apektadong lugar. Kasabay nito, ipinadala ang 5 libong tolda sa Lalawigang Sichuan mula sa reserbang sentral ng relief materials sa Xi'an upang harapin ang pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.
Pagkatapos ng kalamidad, ipinahayag kahapon ni pangkahalatang kalihim Ban Ki-Moon ng UN ang kanyang pananalig na sa pamumuno ng pamahalaan at mga lider ng Tsina, tiyak na papanaigan ng mga apektadong mamamayan ang kahirapan. Bukod dito, nagpahayag naman ang Hapon, Estados Unidos, EU, Alemanya, Pransya, Rusya, Slovenia at iba pang bansa ang kani-kanilang pangungumusta sa panig Tsino.
|