|
Hanggang sa kasalukuyan, lumampas na sa 14800 tao ang bilang ng mga namatay sa malaking lindol na naganap kamakalawa sa Lalawigang Sichuan ng Tsina. Ginagamit ngayon ng Tsina ang lahat ng mga yaman at puwersa at isinasagawa ang malawakang rescue action sa mga nilindol na purok. Pumasok na sa epicentral area ang rescue team.
Mahigit 100 kilometro lamang ang layo sa pagitan ng Wenchuan, epicentral county, at Chengdu, punong lunsod ng Sichuan, pero dahil sa pagputol ng pinagdaanan sa Wenchuan na dulot ng landslide, masamang klima at madalas na pagganap ng mga aftershock, napakahirap para sa pagbibigay-saklolo.
Dumating kaninang tanghali ng Wenchuan ang isang airborne communication troop ng Chengdu Military Region na may dalang radiotelephone at bumuti ang komunikasyon sa lokalidad. Di-kukulangin sa 3 helikopter na may dalang relief materials ang dumating naman sa Wenchuan.
Hanggang alas-8 ngayong araw, mahigit 800 sundalo ng Chinese People's Armed Police Force (CAPF) ang nagsasagawa ng relief works at iniligtas na ang 300 nasugatan. Bukod dito, pangkagipitang kinukumpuni ng isang 600 sundalo ng CAPF na may kasamang malaking makinarya ang naputol na lansangan patungong Wenchuan, tinayang muling isasaoperasyon ngayong gabi ang lansangang ito.
Idinaos kagabi ng punong pamunuan laban sa lindol ang pulong, humiling si Premyer Wen Jiabao ng Tsina na iligtas ang mga nakulong sa lalong madaling panahon at pababain ang bilang ng mga kasuwalti sa pinakamababang digri.
Sinabi ni Li Yun, mamamahayag ng Xinhua News Agency na,
"Ipinadala ng panig militar ang 11 eroplanong militar at 9 na eroplanong pampasahero para halinhinang ipadala ang mga sundalo upang napapanahong dumating ang mga sundalo. Sa kasalukuyan, ipinadala ng panig militar ang mga relief personnel sa abot ng makakaya nito."
Bukod sa mga tropa, nagpadala naman ang pamahalaan ng nakararaming relief personnel mula sa iba't ibang lugar upang magbigay-saklolo sa mga nasalantang purok.
Sinabi ni Wang Zhenyao, direktor ng relief deparment ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina na,
"Ang pinakapangkagipitan ngayon ay pagliligtas ng mga tao. Igagarantiya ng pamahalaan ang pagsasagawa ng relief works kung may iisang pag-asa lamang."
Pumupunta sa mga apektadong purok ng Sichuan ang mga rescue team sa iba't ibang lugar na ipinadala ng departamento ng kalusugan ng Tsina. Walang humpay na inihahatid doon ang mga relief materials. Sinabi ni Luo Pingfei pangalawang ministro ng mga suliraning sibil ng Tsina na,
"Naglaan ang pinansyang sentral ng 860 milyong yuan RMB na emergency fund, ang pondong ito ay may planong ginagamit sa relief works sa iba't ibang aspekto at pangkagipitang paglilipat ng mga apektadong mamamayan. Ipinadala rin ng aming ministri ang mahigit 60 libong tolda at 50 libong kumot sa mga nilindol na purok."
Sunud-sunod na umaksyon ang iba't ibang sirkulo ng Tsina upang tumulong sa mga apektadong mamamayan. Kasabay nito, ipinahayag ng maraming bansa at organisasyong pandaigdig na nakahanda silang magkaloob ng tulong sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino.
Binigyan naman ng mga organong pandaigdig ng mataas na papuri ang relief works ng pamahalaang Tsino. Sinabi ni Ginang Elisabeth Byrs, tagapagsalita ng Office for the Coordination of Humanitarian Affairs ng UN na,
"Sa tingin ko, nagsusumikap hangga't maaari ang pamahalaang Tsino para magkaloob ng mga gamit para sa pamumuhay sa mga apektadong mamamayan. Nananalig akong kasabay ng pagsulong ng relief works, maiiligtas ang mas maraming nabubuhay."
|