• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-15 17:51:08    
Shouguang: "Bayan ng Gulay" ng Tsina

CRI
Una, pinili namin ang mga uri na angkop sa pagluluwas para igarantiya ang kalidad at kaligtasan ng mga produkto at umabot sa standard ng pagluluwas. Ikalawa, sa larangan ng pagsusuri at kuwarantenas, isinasagawa ang sample survey sa buong lalawigan sa mga larangang kinabibilangan ngtira ng mga pamatay-kulisap at abono.

Ang inobasyon ng teknolohiya ay isinasagawa para igarantiya ang di-paglitaw ng mga di-kualipikadong produkto at ang pagsusuri ay pinal na paraan namin. Mula pagpaplano ng base hanggang sa process, pinatnubay ng dalubhasang pangteknolohiya ang kabuuang proseso ng produksyon.

Pinamumunuan ngayon ni Wang Leyi ang mga magsasaka sa aktibong pagsasagawa ng bagong repormang agrikultural ng "pag-iistandardisa ng produksyon". Nanawagan din siya sa mga bahay-kalakal na agrikultural sa buong bansa na ipagpatuloy ang pag-iistandardisa ng produksyon. Sinabi niyang:

"Para sa mga mamamayan, ang pagkain-butil ay pinakamagalaga, at para sa pagkain-butil, ang kaligtasan ay pinakamahagala. Dapat buong tatag na itaguyod ang kamalayan ng tatak, matapat na pagnenegosyo, para mapangalagaan ang imahe ng kilalang tatak ng produktong agrikultural ng Tsina at paglingkuran ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsusuplay ng malusog at mabuting produkto, buong-lakas na isagawa ang pag-iistandardisa ng produksyon, palakasin ang pag-iwas at pagkotrol sa proseso ng produsksyon, pabutihin ang sistema ng pamamahala sa kaligtasan ng kalidad, aktuwal na igarantiya ang pagkakaloob ng maligtas at malusog na produkto."

Sa kasalukuyan, dahil sa pag-iistandardisa ng produksyon,nagkakaroon ang gulay ng Shouguang ng mainam na pandaigdigang imahe at maraming magsasakang Tsino ang nakikinabang dito at mas malakas ang kakayahang kompetetibo ng mga produktong agrikultural ng Tsina sa pamilihang pandaigdig at mas kilala ang pandaigdigang tatak.