• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-16 18:47:55    
Pagliligtas sa nilindol na Sichuan, patuloy

CRI

Ngayong araw ay ika-limang araw sapul nang maganap ang pambihirang napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan, Tsina, na may lakas na 7.8 sa Richter Scale.

Dahil bulubundukin halos lahat ng mga pinakagrabeng nilindol na lugar, nahihirapan ang pagliligtas. Gayunpaman, hanggang alas-otso kahapon ng umaga, nakarating na sa lahat ng mga nilindol na pook ang mga grupong panaklolo at maayos at patuloy ang mga gawain ng pagliligtas.

Hanggang kahapon, mahigit 10 libong tauhang medikal ang naroroon sa mga apektadong lugar at abalang-abala sila sa pagbibigay-lunas sa mga nasugatan sa lindol at sa pag-iwas ng nakahahawang sakit. Salamat sa kanilang pagsisikap, mahigit 60 libong nasugatan ang nabigyan ng pang-unang lunas at walang nagaganap na salot sa mga lugar na niyanig ng lindol.

Pagganap ng lindol, agarang pinaandar ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina ang pangkagipitang katugong mekanismo. Noon pa mang gabi nang maganap ang lindol, nabuo na ng ministring ito ng 700 taong pangkat na medikal at nagtungo sila sa nasalantang lugar sa susunod na araw nang may dalang medisina at mga kagamitang medikal. Nitong ilang araw na nakalipas sapul noon, ilang libong tauhang medikal ay nagtutungo araw-araw sa mga nilindol na lugar. Upang maihatid ang sapat na medisina at kagamitang medikal sa mga apektadong lugar, mahigit 600 milyong Yuan o 86 na milyong dolyares ang nailaan na ng Pamahalaang Tsino.

Sa preskon kahapon, ganito ang sinabi ni G. Gao Qian, opisyal na namamahala sa pagpigil ng nakahahawang sakit sa mga nilindol na lugar.

"Ang aming pakay ay maihatid sa bawat sulok ng nilindol na lugar ang grupong medikal, medisina at kagamitang medikal. Sa gayon, mabawasan, hangga't maaari, ang bilang ng kasuwalti at mapigilan, sa abot ng makakaya, ang pagsadlak ng salot."

Kabilang sa mga grupong medikal ang mga terapeuta para mabigyan ng sikoterapiya ang mga nabiktima ng lindol.

Kasabay nito, ang panig militar ay nagpadala rin ng mga grupong medikal at naghatid ng mga medisina sa mga nilindol na pook. Kaugnay nito, ganito ang inilahad ni Ren Guoquan, opisyal militar mula sa General Logistics Department ng People's Liberation Army o PLA ng Tsina.

"Ang aming inihahatid na bagay sa mga nilindol na lugar ay kinabibilangan ng mga kagamitan para sa pagbibigay ng pang-unang lunas, antibayotiko at iba pang gamot at kagamitang medikal. Ang mga unang batch ng mga ito ay naihulog na sa mga nilindol na lugar."

Bukod dito, maraming military helicopter ang ginagamit din sa paghahatid ng mga materyal na panaklolo at grupong medikal sa mga nilindol na lugar at gayundin sa pagsugod ng mga malubhang nasugatan sa ospital. Ganito ang sinabi ng isa sa mga malubhang sugatan.

"Pagkita ko ng helikopter, alam ko na ligtas ako. Akala ko'y mamamatay na ako dahil labis na malaki ang aking sugat at hindi natigil ang pagdugo."

Inulit ng panig Tsino na kahit lampas na sa umano'y 72-oras na itinuturing na ginintuang panahon ng pagliligtas sa iyong mga nakabaon sa guho, umaaksyon pa rin ang buong Tsina at hindi kailanman titigil ang Pamahalaang Tsino sa pagliligtas sa mga nakulong na kababayan.