Pumunta kaninang umaga si pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Wenchuan County sa epicenter ng lindol para patnubayan ang gawaing panaklolo.
Nauna rito, pumaroon din si Hu sa Beichuan County, isa sa mga lugar na pinakagrabeng naaapektuhan ng lindol. Ipinahayag niya sa mga apektadong mamamayan doon ang determinasyon sa buong sikap na pagliligtas ng mga nakukulong tao, pagbibigay-lunas sa mga nasugatan, pagsasaayos ng pamumuhay ng mga apektadong mamamayan at pagtulong sa kanila sa rekonstruksyon ng tahanan at pagpapanumbalik ng produksyon.
Kinumusta rin ni Hu ang mga tauhang kalahok sa gawaing panaklolo at ini-enkorahe sila na ipagpatuloy ang gawaing panaklolo sa kabila ng mga kahirapan para mabawasan hangga't maaari ang kapinsalaang dulot ng lindol.
Salin: Liu Kai
|