Si Li Lingjuan ay punong tagasanay ng pambansang archery team na pambabae ng Qatar. 24 taong nakararaan, kumatawan siya sa Tsina para lumahok sa ika-23 Los Angles Olympic Games ng Estados Unidos at ito ay kauna-unahang paglahok ng bagong Tsina sa Olimpiyada.
Noong 6 na taong nakararaan, ipinadala siya ng General Administration of Sport ng Tsina sa Qatar para tulungan ang pagbuo ng pambansang archery team na pambabae nito at siya ay naging tagapagtatag ng pamamanang babae nito. Nasira ng archery team ng Qatar na pinamunuan ni Li ang kalagayan ng Qatar na walang natamong medalya sa palaro ng Asya.
Kaugnay ng kaniyang karanasan sa kauna-unahang paglahok sa Olimpiyada bilang kinatawang Tsino, sinabi ni Li na 18 taong gulang na siya noong panahong iyon at nag-aral ng pamamana nang 2 at kalahating taon lamang bago ang lumahok sa Olimpiyada. Sinabi niya na,
"Nalaman naming lamang ang Olimpiyada ay pinakamaringal na palaro sa daigdig, datapuwa't hindi nalaman ang anumang aktuwal na kalagayan hinggil dito, dahil sinuman ang hindi lumahok sa Olimpiyada. Nang dumalo sa seremonya ng pagbubukas nito, masiglang masigla kami. Para sa aming manlalaro, ikinararangal ang paglahok sa Olimpiyada, kaya ipinalalagay kong masuwerte ako."
Nag-iwas ang karanasang ito ng malalim na impresyon sa alaala ni Li. Sa Olimpiyada sa taong 1984, nasira niya ang 5 rekord ng Olimpiyada, datapuwa't ikinalulungkot niyang hindi nakuha niya ang medalya ng ginto ng Olimpiyada. Nang mabanggit ang gayong karanasan, sinabi niyang
"Para sa akin, hindi mabubura sa isip ko habang buhay ang kauna-unahang paglahok sa Olimpiyada. Dahil ang aming bansa ay kauna-unahang lumahok sa Olimpiyada at kulang sa karanasan, di-simple ang pagkuha ko ng medalya ng pilak. Umaasa akong matatamo ng manlalarong Tsino ang breakthrough sa event na ito na nasa control ng Timog Korea sa Beijing Olympic Games."
|