• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-20 17:05:27    
Torch bearer ng Beijing Olympics na si Li Lingjuan

CRI

Ipinahayag pa ni Li na ang paglahok sa Olimpiyada at pagkuha ng medalya ng ginto ay pangarap ng sinumang manlalaro at para sa isang bansa, mas marangal ang matagumpay na pagdaraos ng Olimpiyada at ang pagboykot ng ilang tauhan sa Beijing Olympic Games ay nagpapakita na ayaw nilang makita ang isang nagpanibagong Tsina. Ipinalalagay niya na ang diwa ng Olimpik ay diwa ng kalahukan at dapat bigyan ang bawat na manlalaro ng pagkakataon ng paglahok, sinabi niya na,

"Ang esyensiya ng diwa ng Olimpik ay, sa panahon ng ganitong maringal na pista, nagtitipun-tipon ang mga mamamayan ng apat na sulok ng daigdig sa kabila ng iba't ibang nasyonalidad at kutis."

Ipinahayag ni Li na naniniwala siyang may kakayahan ang Tsina sa pagdaraos ng pinakamatagumpay na Olimpiyada sa kasaysayan at ito ay matapat na hangarin ng mga kaibigang dayuhan sa paligid niya.

"Kahit nagtatrabaho ako sa ibayong dagat, ang naririnig ko'y masiglang lumahok ang lahat ng mga boluntaryo sa loob ng bansa at ikinagagalak at ikinararangal nila ang paglilingkod sa Olimpiyada. Dahil masikap at masigla ang lahat ng mga mamamayang Tsino, ipinalalagay kong magiging pinakamabuti ang iba't ibang larangan ng Beijing Olympic Games. Sinabi ng mga manlalaro, tagasanay at puno ng archery team ng Qatar na ang Beijing Olympic Games ay tiyak na magiging pinakamabuting Olimpiyada sa kasaysayan, dahil buong pusong inaantabayanan at pinaglilingkuran lahat ng mga mamamayang Tsino ang Olimpiyada. Ipinalalagay nila na tiyak na lumalakas nang lumalakas ang Tsina araw-araw."