Ang aming reporter ng Serbisyo Pilipino na si Wang Chao ay nandoon ngayon sa Bayang Hongbai ng Lalawigang Sichuan, isa sa mga lugar na pinakagrabeng naapektuhan ng kasalukuyang lindol. May kasama siyang isang rescue team na ipinadala ng Singapore para tulungan ang Tsina sa gawaing panaklolo. Narito isang espesyal na ulat na ginawa ni Wang Chao hinggil sa naturang rescue team at isinasagawa nitong gawaing panaklolo sa nilindol na purok.
Ang naturang rescue team ay binubuo ng 55 tao at ang lahat nila ay mga miyembro ng international research and rescue team ng Singapore na may pinakamataas na lebel sa Asya na nakikilala ng UN International Search and Rescue Advisory Group. May dala silang ilang sasakyan at rescue dogs, ang naturang grupo ay dumating ng Bayang Hongbai noong ika-17 ng buwang ito. Matatagpuan ang bayang ito sa kabundukan at napakagrabe ang kalagayan ng kalamidad doon. Isinalaysay ni Francis Ng, puno ng grupo, na
"Dumating kami ng Bayang Hongbai tatlong araw ang nakaraan. Pagkadating, nakita naming napakagrabe ng kalagayan, dahil nawasak na ang halos 80% pabahay dito. Agaran naming sinimulan ang research and rescue work, ngunit hanggang sa kasalukuyan, natuklasan lamang namin ang bangkay ng 5 biktima at walang natuklasang namumuhay pa."
Kasunod ng paglipas ng mga araw, kakaunti ang nagiging posibilidad na buhay pa ang mga taong nakukulong sa guho. Ngunit, ipinahayag ni Ng na ipagpapatuloy nila ang research work, dahil sa isang banda, hindi naaalis ang posibilidad ng pagkaganap ng himala at sa kabilang banda naman, gustong nilang hukayin ang bangkay ng mga biktima at iabot ang mga ito sa kanilang kamag-anakan bilang pampalubag-loob. Anya,
"Siyembre, mas mabuti ang pagliligtas ng mga buhay pa. Pero mabuti pa rin ang pagkuha ng bangkay ng mga biktima, dahil ito ay pampalubag-loob sa kanilang kamag-anakan."
Sa kurso ng gawaing panaklolo, mainam ang kooperasyon ng naturang grupo ng Singapore at ng research and rescue team ng mga tropang Tsino. Ipinalalagay ng mga tauhan ng Singapore na matapang ang mga sundalong Tsino at mabilis ang kanilang reaksyon. Anila, ang mabilis at mabisang gawaing panaklolo ng panig Tsino at mainam na kooperasyon ng mga rescue team ay malaking nakakapagtaas ng episiyensiya ng buong gawaing panaklolo sa nilindol na purok. Sinabi ni Ng na,
"Mainam ang kooperasyon namin ng mga sundalong Tsino. Sabay-sabay kaming naghukay. Ang ika-3 bangkay na natuklasan namin ay hinukay namin kasama ng mga sundalong Tsino."
Ang gawain ng rescue team ng Singapore ay binigyan ng mataas na pagtasa ng mga tao sa nilindol na purok. Si Yang Xinhong, isang miyembro ng international research and rescue team ng Tsina, ay sumama sa naturang grupo ng Singapore. Sinabi niyang,
"Ang grupong ito ay talagang propesyonal. Ang kanilang kakayahang ipinakikita sa kasalukuyang gawaing panaklolo ay nagpapatunay na hindi binigo nito ang pagtasa ng UN. Napakahusay ng kanilang ginagawa at napakasipag nila sa gawain."
Napag-alaman ng mamamahayag na bago ang pagsadya sa Tsina, lumahok maraming beses na ang research and rescue team ng Singapore sa mga gawaing panaklolo sa iba't ibang lugar. Isinalaysay ni Ng na,
"Pumunta rin ang aming research and rescue team sa mga iba pang bansa at rehiyon na gaya ng Taiwan, Pakistan, Thailand at Indonesya para lumahok sa gawaing panaklolo ng lindol at tsunami. Lumahok din kami sa gawaing panaklolo sa Pilipinas nang tamaan ito ng pagguho ng lupa."
|