• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-22 19:18:52    
Pakikidalamhati sa mga biktima sa lindol sa Sichuan

CRI

Noong nakaraang linggo, muling naganap sa China iyong trahedya na naganap sa bansa noong ilang dekada na ang nakalipas at natatandaan ko pang noong panahong iyon, hindi pa talagang bukas ang China sa labas kaya ang mga Chinese lamang sa loob ng bansa ang nagtulung-tulong para sa paghahanap at pagliligtas sa mga biktima ng tremor. Muli kong nasaksihan ang pagkakaisang ito ng mga Chinese sa lindol na naganap sa Sichuan at itong pagkakaisang ito plus iyong tulong ng mga Chinese at kaibigan sa iba't ibang bansa ang nagsisilbing lakas para malampasan ng bansa ang kasalukuyang krisis. Iyan ang ipinagdarasal ko at ng lahat ng mga kababayang Pilipino--ang mabilis na pagbangon ng bansa pagkaraan ng krisis.

Jonah Domingo

 

Dahil sa malakas na lindol na naganap sa Sichuan, gusto kong sabihin sa lahat ng mga kaibigan diyan na hindi lang kayo ang nalulungkot at nasisiphayo. Ganoon din ang nararamdaman ko ngayon dahil nangyari na ang ganyang kaganapan sa aming bansa. Sa tulong ng aming mga dasal at ng suportang materyal mula sa loob at labas ng bansa, malakas ang paniwala ko na muling babalik ang sigla ng Sichuan at ng buong bansa.

super DJ Happy 

 

Bilang kaibigan ng China on and off the air, hindi ninyo maaalis sa akin ang malungkot dahil sa malakas na pagyanig na nangyari sa Sichuan Province, China. Marami nang pagsubok na dinaanan ang China at lahat ay nalampasan nito, kaya ganoon din ang inaasahan ko sa pagkakataong ito... Huwag kayong mag-alala, ipagdarasal ko kayo araw-araw.

Baby Rose Jimenes

 

My condolences sa mga pamilya ng mga nasawi sa lindol sa China. I just hope and pray na maghihilom agad ang sugat na nalikha ng inyong malungkot na karanasan. Isipin lang lagi natin na "Behind every dark clound is a silver lining." Sana matapos na kaagad ang gawain ng paghahanap ng mga biktima para masimulan na ang gawain ng rekonstruksiyon at mapabilis ang inyong paglimot sa nagdaang pangyayari.

Naila Feria
San Juan, Metro Manila

 

Kuya, sa pamamagitan mo, gusto kong iparating sa mga mamamayan ng China ang aking mensahe ng pakikiramay sa mga kapamilyahan ng mga nasugatan at nasawi sa malakas na lindol sa isang probinsiya ng China. Sabihin natin na ito ay isa na namang pagsubok. Pag may ganitong pangyayari, lumilitaw ang katotohanan na ang China ay maraming kaibigan. Madali silang nagpaparamdam.

Romulo de Mesa
Iridium, A. Francisco
Sta. Ana, Manila

 

This is to convey my sincerest sympathy to Chinese friends. It's a pity na kung kelan malapit na ang Olympics atsaka pa may naganap na ganito kalagim na pangyayari. Malakas ang paniwala ko na malalaktawan ninyo agad ang crisis na ito at hindi ito magiging sagabal sa pagdaraos ng Olympics.

Myrna Calayco
Kowloon, Hong Kong