• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-26 20:37:14    
Isang tagapag-alaga ng panda

CRI
Si Fuwa Jingjing ay isa sa limang Official Mascot ng Beijing 2008 Olympic Games. Ang modelo ni Jingjing ay isang panda sa Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding ng Tsina at ang kanyang tagapag-alaga na si Shi Bin ay naging isang Olympic torchbearer.

Noong 2004, natapos ni Shi Bin ang kanyang pag-aral sa Sichuan Agricultural University at nagsimula ng kanyang trabaho sa Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding. Bilang isang tagapag-alaga ng panda, ang kanyang pang-araw-araw na trabaho ay magpakain ang mga panda, maglinis ng kanilang kulungan, makipaglaro sa kanila at itala ang lagay ng kanilang kalusugan.

Kahit marami siyang dapat gawin bawat araw, hindi siya nakadarama ng kapaguran at sa kabaligtaran naman, ang damdamin niya sa mga panda ay lumalakas nang lumalakas. Sinabi niyang:

"Ang panda ay nagsisilbing palatandaan ng pangangalaga sa kapaligiran hindi lamang sa Tsina, kundi sa buong daigdig. Ipinagmamalaki ko ito bilang isang keeper ng panda."

Isinilang noong 2005 si Jingjing sa isang pamilya ng palakasan. Ang kanyang nanay na si Yaya ay isinilang sa taon ng pagdaraos ng Beijing Asian Games. Nagbigay si Juan Antonio Samaranch, dating pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpik, ng pangalan sa kanyang tatay na si Kobe at siya ring ang nagsilbing mascot ng 1992 Barcelona Olympic Games.

Noong 2007, nagparehistro si Shi Bin para sa pagiging Beijing Olympic torchbearer. Nang lumahok siya sa mga aktibidad ng pagpili ng mga Olympic torchbearer, may dala siyang maraming larawan at booklet hinggil sa panda para ipamahagi sa ibang mga kalahok, isinalaysay niya sa kanila ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga panda at matiyagang sinagot ang iba't ibang tanong. Sinabi niyang:

"Maraming tao ang magtanong sa akin hinggil sa panda, at buong ingat na sinagot ko ang kanilang tanong. Sa pamamagitan ng pagsagot ng kanilang mga tanong, ipinalaganap ko ang kaalaman hinggil sa panda. Sa ganitong paraa'y nagbigay-ambag ako sa pangangalaga sa panda."