• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-02 18:54:40    
Mayo ika-26 hanggang Hunyo ika-1

CRI
Nakipag-usap noong Biyernes sa Beijing si Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at pangulo ng estado, kay Nong Duc Manh, dumadalaw na pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV. Binigyan nila ng mataas na pagtasa ang natamong progreso ng relasyon ng dalawang partido at bansa at sinang-ayunang magkasamang magsikap para mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Hu na dapat magsikap ang dalawang panig para patuloy na mapalakas ang kooperasyon sa mga larangan ng kultura, edukasyon, siyensiya, teknolohiya, agrikultura at iba pa at pagpapalitan ng kabataan, maayos na mahawakan ang mga isyu sa relasyon ng dalawang bansa, patuloy na mapahigpit ang pagsasanggunian at pagkokoordina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at mapangalagaan at mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig. Ipinahayag naman ni Nong na nakahanda ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para buong sikap na maipatupad ang mga komong palagay at winewelkam niya ang pamumuhunan ng Tsina sa mga malaking proyekto sa Biyetnam. Umaasa rin siyang igagarantiya ng dalawang panig ang demarkasyon at paglalagda sa dokumento sa pamamahala sa hanggahan sa loob ng taong ito.

Sa kanyang pakikipagtagpo noong Biyernes sa Beijing kay Nong Duc Manh, dumadalaw na pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV, ipinahayag ni Wu Bangguo, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa partido, pamahalaan at mga mamamayan ng Biyetnam para walang humpay na mapasulong ang estratehikong parternship na pangkooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni Wu na ang pagpapahalaga sa tradisyonal na pagkakaibigan, pagpapaunlad ng hene-henerasyong pagkakaibigan at pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at komong pag-unlad ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan at makakabuti sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig. Sinabi naman ni Nong na ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Biyetnam at Tsina ay umunlad na sa isang bagong antas. Anya, ang kanyang pagdalaw na ito ay naglalayong ibayo pang palalimin ang pagkakaunawaan ng dalawang bansa, pahigpitin ang pagkatig sa isa't isa at magkasamang hanapin ang pagtutulungan at kaunlaran.

Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Wen Jiabao, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at premiyer ng bansa, kay Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV. Sinabi ni Wen na pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Biyetnam sa estratehikong pananaw. Ipinahayag niyang para mapasulong ang relasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel batay sa kasalukuyang mainam na pundasyon, dapat pabilisin ang pagtatalakay hinggil sa paglalagda sa panlimahang-taong plano sa pagpapaunlad ng kooperasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam at isagawa ang mga mas mabisang hakbanging may mutuwal na kapakinabangan sa aspekto ng paggagalugad ng pamilihan at pagpapalawak ng pamumuhunan. Anya pa, aktibong kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang konstruksyon ng sona ng kooperasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam. Sinang-ayunan ni Nong ang naturang mga mungkahi ni Wen. Sinabi rin niyang magsisikap ang Biyetnam, kasama ang Tsina, para maipatupad ang mga narating na komong palagay ng dalawang panig at mapasulong ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan sa mas magandang kinabukasan.

Lumisan noong Martes ng Jakarta papuntang nilindol na purok ng Tsina ang isang grupong medikal ng Indonesya. Ang naturang 20-taong gurpo ay ipinadala ng Ministri ng Kalusugan ng Indonesya at ayon sa pagsasaayos ng pamahalaang Tsino, magsasagawa ito ng dalawang linggong gawaing medikal sa Lalawigang Gansu na naapektuhan din sa naganap na lindol. Sinabi ng naturang ministri na kung may pangangailangan ang Tsina, magpapadala ito ng ika-2 pangkat ng mga tauhang medikal.

Natapos noong Sabado ng 50-tao na grupong medikal ng Tsina ang gawaing panaklolo sa mga lugar ng Myanmar na sinalanta ng bagyo at umuwi ito sa bansa. Sa dalawang linggong pananatili sa Myanmar, binigyang-lunas ng grupong ito ang mahigit 3 libong nasugatan. Bago ang pag-alis, iniabuloy nito ang isang pangkat ng materyal na medikal na kinabibilangan ng mga ambulansiya, kagamitang medikal, gamot at iba pa sa relief department ng Myanmar.

Idinaos noong Miyerkules sa Hangzhou, isang lunsod sa dakong timog ng Tsina, ang pulong hinggil sa transportasyon ng sasakyang de motor ng Tsina at Biyetnam. Sa 3 araw ng pulong na ito, tinatalakay ng mga kinatawan ng dalawang bansa ang kongkretong isyu hinggil sa pagsasakatuparan ng direktang paghahatid ng mga sasakya ng pasahero at kargo para baguhin ang kalagayan na ang transportasyong panlupa ay dumadaan ng hanggahan ng lamang sa port sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam sa mahabang panahon. Ayon pa sa ulat, pagkatapos ng pagrating at pagkabisa ng bagong kasunduanm, sa sasakyang de motor, may pag-asang direktang darating ng mga lunsod ng Biyetnam na kabilang ang Hanoi ang mga pasahero at kargo na nagmula sa Kungming, Nanning, Guilin at iba pang lunsod ng Tsina.