• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-03 20:04:01    
Gawaing paghahanda ng Beijing Paralympic Games, maalwan

CRI
Bubuksan sa ika-6 ng Setyembre ng taong ito ang Beijing 2008 Paralympic Games at sa kasalukuyan, maawlan ang lahat ng ginagawang paghahanda nito.

Sa natatorium ng base ng komprehensibong pagsasanay ng palakasan ng mga may kapansanan, aktibong nagsasanay ang may kapansanang manlalarong Tsino na si He Junquan para sa Paralympics. Noong 2004 Athens Paralympic Games, natamo ni He ang 4 na medalya ng ginto at kaugnay ng Beijing Paralympic Games na idaraos sa malapit na hinaharap, si He na aktibo sa paghahanda ay nagkaroon na ng maliwanag na target.

"Ang target ko sa darating na Paralympics ay lalampas sa aking pinakamabuting rekord."

Mula ika-6 hanggang ika-17 ng Setyembre ng taong ito, lalahok sa Beijing Paralympic Games ang mahigit 4 libong manlalaro na galing sa mahigit 150 bansa at rehiyon na kinabibilangan ni He at ng kaniyang mga kapangkat. Upang matagumpay na idaos ang isang may katangiang Paralympics sa mataas na lebel at isakatuparan sa Paralympics na ito ang pangarap ng mga may kapansanang manlalarong nagmamahal sa pamumuhay at palakasan na katulad ni He, ang lahat ng ginagawang paghahanda ukol sa Paralympic ay sumusulong batay sa plano. Inilahad kamakailan ni Tang Xiaoquan, pangalawang Tagapangulo ng lupong tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing at Direktor ng China Disabled Person's Federation na,

"Iginigiit ng lupong tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing ang target ng pagdaraos ng dalawang parehong makukulay na Olimpiyada at komprehensibong pinasusulong ang iba't ibang ginagawang paghahanda ng Paralympics. Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga stadium nito ang naitayo at nakaranas ng pagsubok ng serye ng paligsahan ng Good Luck Beijing. Ang konstruksyon ng mga stadium ay batay sa may kinalamang tadhana ng International Paralympic Committee o IPC at komprehensibong isinaalang-alang ang istandard ng pagtatayo ng barrier free facilities at ang paggamit pagkatapos ng Olimpiyada para tiyakin ang pangangailangan ng mga may kapansanang manlalaro, manonood at media."

Ang 2008 Beijing Olympic Games at Paralympic Games ay dalawang Olimpiyada na kauna-unahang idaos ng isang lupong tagapag-organisa sa kasaysayan. Dahil dito, ang mga stadium ng Paralympics ay pipiliin mula sa mga stadium ng Beijing Olympic Games. At ang iba pang mga pasilidad ng Paralympics na di-ginagamit sa paligsahan na gaya ng Paralympic Village ay gumamit ng mga may kinalamang pasilidad ng Olimpiyada.

Dahil isaalang-alang ang espesyal na pangangailangan ng Paralympics, ang lahat ng mga stadium at iba pang mga pasilidad ng serbisyo ay naitayo alinsunod sa istandard ng barrier free, alalaong baga'y pagkatapos ng Beijing Olympic Games, ang lahat ng mga stadium ay gagamitin ng Paralympics at hindi mangangailangan ng pagbabago.

Kaugnay ng lahat ng mga pasilidad ng Paralympic Village, tinasahan ni Philip Craven, Tagapangulo ng IPC na ilang beses na naglakbay-suri doon, na,

"Sa palagay ko, ang Paralympic Village na ito ay posibleng pinakamabuti sa kasaysayan at nang makita ko ang mga bahay doon, naniniwala ako na tiyak na makakadama ang mga manlalaro na mamuhay dito parang namumuhay sila sa kanilang sariling bansa."

Hindi lamang ang mga stadium ng Paralympics, kundi ang iba pang mga barrier freed facilities sa mga lunsod na maghohost ng Olympic Games na gaya ng Beijing, Qingdao at Hong Kong ay pinabubuti salamat sa pagdaraos ng Paralympics. Upang makatugon sa hangarin ng mga may kapansanan sa pagbisita sa Imperial Palace at Great Wall, isinagawa ng pamahalaan ng Beijing ang pagbabago sa mga may kinalamang pasilidad sa paunang kondisyon ng di-pagsisira ng pamanang ito at tapos na ang barrier freed renovation ng mga mahalagang bisagra ng komunikasyon ng Beijing na gaya ng mga stasyon ng tren at pandaigdig na paliparan. Sa panahon ng Paralympics, maihahanda ng Beijing ang mahigit 2000 barrier free bus at 70 taxi para makinabang ang mas maraming may kapansanan sa ginagawang paghahanda ng Olimpiyada at Paralympics ng Beijing. Sinabi ni Sun Wenjin, isang may kapansanang nakatira sa Beijing na,

"Ngayon, nakakabisita ako sa Imperial Palace. Dahil sa pagkakaroon ng mga barrier freed facilities, nakinabang ang aming mga may kapansanan ng bunga ng progreso ng sibilisasyong materyal at espiritwal ng lipunan."