• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-03 20:04:31    
Kuwento ni King Gesar

CRI
Mga giliw na tagapagkinig, sa programang "Pambansang Minoriya ng Tsina" ngayong gabi, pakinggan ninyo ang ulat hinggil sa pangangalaga sa sining ng pagsasalaysay at pag-aawit ng Lahing Tibetano.

Ang Kuwento ni King Gesar na isinasalaysay at inaawit ni Samdrup, 86 na taong gulang na sibilyang artistang Tibetano ng rehiyong awtonomo ng Tibet ng Tsina. Siya ay pinakamatandang artistang Tibetano na nagsasalaysay at nag-aawit ng Kuwento ni King Gesar at isa sa pinakamabuting artistang ito. Dahil atrasado ang edukasyon ng lumang Tibet, hindi siya'y pumasok sa paaralan. Mangmang siya't matalino. Inilahad ni Tsering Phuntsok, dalubhasang Tibetano at pangalawang Direktor ng National Institute ng Academy of Social Sciences ng Tibet Autonomous Region, na

"Halos lahat ng mga artista ng pagsasalaysay at pag-aawit ay isinilang sa mga mahihirap na pamilya ng magsasaka at pastol. Bago itatag ang bagong Tsina, naghanap-buhay sila sa pagsasalaysay at pag-aawit ng mga kuwento, mababa ang kanilang katayuang panlipunan. Lagi silang sumama sa mga taong pumunta sa templo para magdasal at sa progresong ito, may nakuha silang maraming pinagmumulan sa pagkatha ng kanilang kuwento, kaya lumitaw ang mga kilalang artistang gaya ni Samdrup."

Malaki ang saklaw ng Kuwento ni King Gesar at ito ay nagsisilbing isang epiko para pag-aralan ang napakatandang Tibetanong lipunan. Dahil walang humpay na pinayayaman ito ng mga artista sa nakaraang mahigit isang libong taon, ang Kuwento ni King Gesar ay walang patid na niragdagdagan ng bagong nilalaman. Sa kasalukuyan, ang epikong ito ay may mahigit 120 tomo, mahigit 1.2 milyong taludtod at mahigit 20 milyong lirik. Kaugnay ng pinakamahabang epiko sa daigdig. Sinabi ni Tsering na

"Lumitaw ang mga dakilang epiko sa ibayong dagat na gaya ng epiko sa napakatandang Greek at Indian, ngunit ang mga ito ay mga tiyak na edisyon at walang espasyo para ibayo pang payamanin. Datapuwa't ang Kuwento ni King Gesar ay tumatagal nang mahigit isang libong taon batay sa pagsasalaysay sa hene-henerasyon ng mga Tibetanong artista at walang humpay na dinaragdagan ng bagong nilalaman at kuwento ng bayani at naging tanging mabuhay na epiko ito ngayon sa daigdig."