• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-04 14:55:13    
Magandang ilog at marikit na tanawin sa Guangxi

CRI

Sa loob ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanluran ng Tsina, ang karsts landscape kasama ang isang magandang ilog at tanawin ng mga nayon ay naging isang katangi-tanging tanawin ng lunsod na ito. Ito ang kilala-kilalang lunsod na panturista sa buong daigdig--Guilin, at ang ilog na ito ay ilog ng Lijiang.

Kadalasang namumutawi ang mga turistang dayuhan na pumarito minsan sa Tsina na kung gusto mong tumingin ng cultural relics, dapat pumunta ka sa Xi'an at kung gusto mong tumingin ng tanawin, dapat pumuta ka sa Guilin.

Kilala-kilala ang Guilin sa loob at labas ng bansa sa kanyang berdeng bundok, magandang tubig at katanging kuweba. Ang scenic area ng ilog ng Lijiang ng Guilin ay mula bayan ng Xing'an sa hilaga hanggang bayan ng Yangshuo sa timog, na iniuugnay ng ilog ng Lijiang. May maraming tourist spot sa nasabing scenic area, kabilang dito, ang elephant trunk hill ay tampok sa katangi-tanging lusod ng Guilin.

Ang elephant trunk hill ay isa sa mga kilala-kilalang bundok ng Guilin. Binuo ito ng limestone sa himlayan ng dagat nitong mahigit 300 milyong taong nakalipas. Ang ayos nito ay parang isang malaking elepante na umiinom ng tubig ng ilog sa pamamagitan ng mahabang ilong, may isang bukas na kuweba sa pagitan ng katawan at ilong ng elepante. Ikinuwento ni G. Ma Weimin, isang naninirahan sa paanan ng elephant trunk hill sa amin ang isang alamat ukol sa burol na ito:

"Pumarito sa Guilin ang isang grupo ng engkantadong elepante, nakita nila ang magandang tanawin dito at hindi gustong bumalik sa langit. Iniuots ng Diyos sa kanila na bumalik sa langit, ngunit, isa sa kanila ang tumangging bumalik. Gayong tamang ang galit ng Diyos na papakuin ang elepanteng ito ng sable sa pampang ng ilog ng Lijiang at mula noo'y nananatili doon ito hanggang ngayon.