Ang 43 taong gulang na si Li Jian ay isinilang sa isang pamilya ng musika. Ang nanay niya na si Yu Lina ay isang bantog na violinist sa Tsina at ang kanyang tinugtog na "The Butterfly Lovers" noong 1959 ay ipinalalagay na pinakamabuti hanggang sa kasalukuyan. Hindi mahusay si Li Jian sa pagpapahayag, ngunit kapag nabanggit ang piano, marami siyang sinabi. Sa programang "Kultura ng Tsina" ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.
Dinapuan siya ng mabigat na sakit nang 10 taong gulang siya at halos na namatay. Pagkagaling, nabighani siya ng musika lalung lalo ng piano. Mula roon, kusang-loob siyang nagsanay sa pagtugtog ng piano at nagsanay nang mga 12 oras bawat araw, kaya mabilis na tumaas ang kanyang pagkaunawa sa musika at kahusayan sa pagtugtog.
Noong 1981, ang 16 taong gulang na si Li Jian ay nakatawag ng pansin ng daigdig. Lumahok siya sa Marguerite Long-Jacques Thibaud International Contest, isang kilalang paligsahan ng piano sa Paris. Si Li ay pinakabatang kalahok at natamo niya ang grand award.
Pagkatapos ng kanyang tagumpay, nagtanghal si Li sa iba't ibang lugar ng daigdig at kasabay nito, mabilis na tumaas ang kanyang kahusayan. Noong 1987, nagtanghal sila ng China Philharmonic Orchestra sa E.U. at nakatawag siya ng pansin ng mga manonood na Amerikano. Mula noon, bawat taon, nagpalabas siya sa E.U., Europa, dulong Silangan at iba pang rehiyon. Hindi lamang niyang inihandog ang solo concert, kundi lumahok sa pagtatanghal ng chamber music at mabilis na tinanggap niya ang pagpuri mula sa mga dayuhang musiko dahal sa kanyang kahusayan at kakayahan ng pagpapahayag.
|