Ang lindol na naganap noong ika-12 ng Mayo sa Wenchuan ay nagdulot ng nakapalaking kasuwalte at kapinsalaan sa mga lugar sa Lalawigang Sichuan. Pero, sa kasalukuyan, sa Chengdu, Punong Lunsod ng Sichuan na halos 100 km lamang ang layo sa Wenchuan, napanumbalik na ang produksyon ng maraming bahay-kalakal sa sona ng pagdedebelop ng high-tech ng Chengdu.
May mahigit 6000 bahay-kalakal sa nabanggit na sona at sa mga ito, halos 500 ang pinatatakbo ng dayuhang pondo na kinabibilangan ng 20 sa top-500 pinakamalakas na bahay-kalakal sa daigdig. Pagkaraang maganap ang lindol, itinigil ang produksyon ng halos lahat ng bahay-kalakal doon.
Nguni't, isang araw lamang pagkaraan ng lindol, sinimulan na ang gawain ng iba't ibang departemento sa sona para maigarantiya ang pagsusuplay ng tubig at koryente at bukod dito, nagpadala ng mga propesyonal sa mga bahay-kalakal para malaman ang tunay na kalagayan batay at aktuwal na pangangailangan nila sa pagpapanumbalik ng produksyon. Isinalaysay ni Jiang Gang, namamahalang tauhan ng sona na:
"Nitong ilang araw nakalipas, maraming ginagawang pagtasa kami sa lagay ng mga bahay ng bahay-kalakal para tiyakin kung maligtas ang mga ito para sa mga nagtatrabaho doon. "
Hanggang ika-18 ng buwang ito, nanumbalik na ang produksyon ng 261 may balakihang bahay-kalakal sa sona na katumbas nang 75% ng lahat.
|