Sa maraming lugar ng daigdig, kasunod ng pag-unlad ng industriyang panturista at dumaragdag na mga turista, ang kapaligiran sa lokalidad ay nahaharap sa malaking presyur o maging napinsalaan. Pero, nang lumakad sa Guilin, nakakaramdam ang mga turista ng masariwang hangin at nananatiling malinaw ang tubig sa ilog ng Lijiang.
Kaugnay nito, ipinahayag ni G. Chen Yunchun, opisyal ng kawanihang panturista ng lunsod ng Guilin sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng Guilin ang isinasagawa nilang prinsipyo ay: pangangalaga muna at pangalawa lamang ay paggagalugad. Sinabi niyang:
"Ang pangangalaga sa kapaligiran ay pinakamahalaga, hindi kumakatig kami ng mga proyektong hindi nakapasa sa pagtasa ng pangangalaga ng kapaligiran. Sa kasalukuyang pag-unlad ng Guilin, ipinagbabawal ang pagpapaunlad ng bahay-kalakal na nagbubuga ng usok at wasted water, suportado lamang naming ang hi-tek industry."
Karaniwa'y pumunta ang mga manlalakbay sa Yangshuo pagkatapos nang bisitahin ang Guilin. Dahil, mas maganda ang Yangshuo kaysa Guilin. Nag-mula ang Ilog ng Lijiang sa bundok ng Mao'er sa hilaga ng Guilin at mahigit 400 kilometro ang kabuuang haba. Ang magkabilang pampang ng 83 kilometrong haba ng ilog ng Lijiang mula Guilin sa Yangshuo ay pinakamalaki at pinakamagandang rehiyon ng karst. Sinabi ni G. Hermawa Haerthe, isang turista galing sa Alemanya na:
"Bago ang paglalakbay sa Ilog ng Lijiang, nakita ko ang maraming larawan, pero, mas maganda ang mga tunay na tanawin na nakita ko. Talagang parang isang larawan dito. Sa aking lupang tinubuan, may katulad na magandang tanawin, hindi malaki ang lugar, pero, kahanga-hanga ang tanawin."
|