• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-05 14:41:59    
Ang Ating Awitin, OPM-Greatest Hits Volume 1, Bong Gabriel

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Iyan ang ating pambungad na bilang, "Sampung Taon" sa pag-awit ni Eason Chan. Ang magandang awiting iyan ay hango sa album na "Itim, Puti at Abuhin."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Nabuhay si Pareng Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore. Sabi ng kanyang snail mail:

"Gusto ko ang patakaran ng China sa agrikultura. Binibigyan niya ng lakas ng loob ang mga magsasakang Tsino para ipagpatuloy ang gawain ng pagbubungkal ng lupa at hindi talikuran ang agrikultura kahit pa nakakakita sila ng magandang tsansa sa ibang gawain. Habang yumayaman kasi ang mga magsasaka, lalong lumalaki ang ani at nagkakaroon ng self-sufficiency sa butil ang bansa."

Salamat, Pareng Buddy. Iyan ang gusto ko sa iyo, eh.

Mula sa "Closer: When Pop Meets Jazz" album, iyan ang awiting "I Have a Dream" ni Nana Mouskouri. Ang original version ay iyong sa ABBA.

Tunghayan naman natin itong snail mail ni Rio Nobleza ng Tanauan, Batangas. Sabi ng sulat:

"Sana sa pagdaraos ng Olympics sa Beijing, ang mga participating athletes at coaches, mga lider ng mga bansa, at mga bisita sa loob at labas ng bansa ay magtipun-tipon for the sake of Olympic sports at sportsmanship at i-set aside muna nila ang anumang political inclination na mayroon sila. Ang Olympics ay hindi pangkaraniwang kompetisyon. Ito ay dakilang palaro.Ito ay games of a lifetime."

Salamat sa iyo, Rio.

Bong Gabriel sa kanyang "Ang Ating Awitin" na lifted sa "OPM-Greatest Hits Volume 1" album.

Tingnan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ng 917 351 9951: "Sana mabawasan ang mga problema sa pagdaraos ng Olimpiyada para makita natin ang tunay na ganda ng seremonya."

Sabi naman ng 0049 242 188 210: "Ang Olympic Games ay nagtuturo sa ating lahat na magpakalalaki sa pagkatalo at magpaka-anghel sa pagkapanalo. Iyan ang tinatawag na sportsmanship."

Salamat sa inyo.

Iyan naman si Alison Krauss at ang Union Station sa awiting "Looking in the Eyes of Love" na buhat sa collective album na may pamagat na "The Best Audiophile Voices."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.