S: Magandang gabi po, mga giliw na tagapakinig. Welcome sa espesyal na palatuntunan sa gabing ito ng Serbisyo Pilipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Sarah.
F: Ito naman si Frank. Magandang gabi po! Sarah, natatandaan pa ba mo anong okasyon ang araw na ito?
S: Oo, siyembre. Ngayong araw ay ika-9 ng Hunyo, ito ay ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at Pilipinas ng relasyong diplomatiko at ika-7 anibersaryo ng Philippine-China Friendship Day.
F: Tama iyan. Ang aming espesyal na palatuntunan ngayong gabi ay hinggil sa mga okasyong ito. Noong Huwebes ng nagdaang linggo, sa pagtataguyod ng embahada ng Pilipinas sa Tsina, idinaos sa Beijing ang isang konsiyerto bilang pagdiriwang sa dalawang okasyong ito. Pero, di-tulad ng dati, may isa pang mahalagang layon ng konsiyerto.
S: Batay sa pamagat ng konsiyertong ito na "Mga Awit para sa Sichuan", nalalaman nating ito rin ay bilang pakikiramay sa mga nabiktima sa napakalakas na lindol na naganap noong ika-12 ng nagdaang buwan sa Lalawigang Sichuan ng Tsina at isang aktibidad para sa pangingilak ng pondo bilang tulong sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon sa nilindol na purok.
F: Kaugnay ng plano sa pagtataguyod ng ganitong aktibidad, sa isang panayam kamakailan, sinabi sa amin ni Sonia Cataumber Brady, embahador ng Pilipinas sa Tsina, na:
S: Kay ganda ng ideyang ito! Para naman sa mga kalahok sa konsiyerto noong gabing iyon, mahalaga rin ang katuturan dahil sa nabanggit na espesyal na layon.
F: Ang nagtanghal sa konsiyertong ito ay isang kilala at namumukod na koro mula sa Pilipinas, ang Philippines Madrigal Singers o Madz. Dalawang beses na nagtanghal ang korong ito sa Chinese mainland at ang una ay noong 1977. Nang mabanggit ang kahalagahan ng kasalukuyang pagtatanghal, sinabi ng choirmaster na si Mark Anthony Carpio, na:
S: Nalaman ni Mr. Carpio ang lindol sa Sichuan ilang oras lamang pagkaraan itong maganap at ang kalakasan ng lindol at malaking kasuwalti ay nag-iwan ng malalimang impresyon sa kanya. Ipinahayag niya ang pakikiramay at pagsuporta sa mga mamamayang Tsino, lalung-lalo na sa mga iyon sa nilindol na purok. Sinabi rin ni Mr. Carpio na:
F: Sa konsiyerto, kinanta ng Madz ang isang Chinese pop song na may pamagat na "Ang Buwan ay Kumakatawan sa Puso Ko" para sa mga mamamayang Tsino sa nilindol na purok. Sinabi ni Mr. Carpio na pinili nila ang awit na ito dahil alam nila, nakasasaad ang mga lirik sa awit na parang Buwan ang pagmamahal na matapat, magiliw, di-magbabago, dalisay at isang pinagmumulan ng liwanag sa panahong nalalambungan ng kadiliman ang mundo. Ok, pakinggan natin ang bahagi ng awit na ito na kinanta ng Madz.
S: Salamat sa Madz para sa kanilang magandang boses. Sa ngalan ng mga mamamayang Tsino, gusto ko ring pasalamatan ang embahada ng Pilipinas at lahat ng mga kaibigang Pilipino sa inyong kagandahang-loob at pagtulong sa Tsina sa panahon ng lindol. Siyempre, hindi ko nakakalimutan kayo, mga tagapakinig na nagpadala sa amin ng mga mensahe, email, snailmail at iba pa pagkaraang maganap ang lindol. Maraming salamat po sa inyong lahat!
F: Sarah, hindi ikaw lamang ang may kagustuhang ipahayag ang pasasalamat sa mga kaibigang Pilipino. Nang kapanayamin pagkatapos ng konsiyerto, nagpahayag naman ng katulad na pasasalamat si Feng Zuoku, pangalawang pangulo ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries. Anya:
"Lubos na tumitimo sa aking puso ang kagandahang-loob ng mga Pilipino. Sa panahong ito na kinakailangan ng Tsina ang pagkatig at pagtulong ng iba't ibang bansa ng daigdig, inihandog ng embahada at mga mamamayan ng Pilipinas ang konsiyertong ito para sa Sichuan at lubos nitong ipinakikita ang malaking pagkatig at pagtulong ng pamahalaan at mga mamamayang Pilipino sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon sa nilindol na purok. Lubos naming pinasasalamatan ang panig Pilipino para sa pagtataguyod ng aktibidad na ito."
S: Tinitimuang puso rin ako at gusto kong muling ipahayag ang pasasalamat sa mga kaibigang Pilipino.
F: Nananalig tayong sa ilalim ng inyong pagkatig at pagtulong, mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Tsino sa nilindol na purok ang kalamidad at muling itatayo ang lupang-tinubuan sa lalong madaling panahon. Sa saliw ng isa pang awit ng Madz, matatapos ang aming espesyal na palatuntunan ngayong gabi. Salamat sa inyong pakikinig at uli, maraming salamat po sa inyong lahat!
|