• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-10 17:08:01    
Isang bantog na piyanista

CRI
Lubos na mahilig si Li sa classical music. Ibinuhos niya ang lahat niyang damdamin sa kanyang bawat na pagpapalabas. Ipinalalagay niyang ang katangiang di-mauulit ng classical music ay buod ng kapighanian nito. Parehong musika, anya, dahil sa iba't ibang manunugtog, ay nagpapahayag ng iba't ibang epekto at damdamin. Sinabi niyang:

"Malawak ang classical music, at ang classic music ay tanging musikang puwedeng nagpapakita nang parehong resulta nang hindi gamitin ang mikropono at koryente."

Mahusay si Li sa pagtugtog ng mga kinatha ni Beethoven at lagi siyang ipinakikita ang kalambutan ni Beethoven sa mga manonood. Sinabi ni Li na bilang isang manunugtog, dapat lubos na ipakita ang estilo ng mga composer. Sinabi niyang:

"Hindi kailangan ang pagpapakita ng isang manunugtog ng sariling estilo. Ang katha ay siyang dapat ipakita at sa takbo ng interprentasyon nito ay natural na ipapakita ang sariling estilo ng manunugtog."

Nitong nakalipas na ilang taon, nagpalabas si Li sa iba't ibang lugar ng buong digdig. At hanggang sa kasalukuyan, ipinalabas na niya ang 13 disc. Kahit na isa siyang bantog na artista, mayroong siyang isang ordinary heart at simple ang pamumuhay niya. Bukod sa pagtatanghal, ayaw niyang lumahok sa mga aktibidad na panlipunan at sa halip na ibinubuhos ang kanyang buong enerhiya sa kanyang musika. Nang mabanggit ang kanyang hilig, sinabi niyang:

"Apisyonado ako sa komputer at paggawa ng mga bagay na gaya ng reading lamp. Ang lahat ng reading lamp sa bahay ko ay ginawa ko. Bukod dito, apisyonado rin ako sa football at baseball. Mahilig rin ako sa pagmamaneho ng motorsiklo nang malaya sa mga lansangan."