• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-10 17:39:08    
Happy, Jojo, Romulo, Dave at Techie: pangangamusta sa Tsina at optimistiko sa Olimpiyada

CRI

Kahit abalang-abala ang lahat sa gawain ng pagsasaayos sa kalagayan ng mga tao sa lugar na nilindol sa China, hindi rin naman napapabayaan ang ginagawang paghahanda para sa Olympics. Nagpatuloy na ang Olympic torch relay pagkaraan ng mourning period at patuloy pa rin naman ang Olympic countdown. Lahat kami ay umaasa na maidaraos ang Beijing Olympics ayon sa plano kahit pa dumaan sa malaking trahedya ang bansa. Lubos ang tiwala ko sa kakayahan ng Tsina sa pagharap sa kalamidad na tulad ng lindol, kaya naniniwala akong madali itong makakabangon.

super DJ Happy

 

Narinig ko ang hinggil sa aftershocks at quake lakes sa mga lugar na niyanig ng lindol sa China. Sa kabila ng mga development na ito, ni minsan, bilang indibiduwal, hindi ko inisip na hindi matutuloy ang Olympics. Para sa akin, kailangang matuloy ang palaro dahil iyong tourism revenue na magmumula rito ay higit na makakatulong sa reconstruction ng Sichuan at iba pang lugar na naapektuhan ng lindol. Sa tingin ko, sa pangkalahatan, hindi maaapektuhan ang momentum ng buong bayan na manonood.

Jojo Tempura

 

Maraming nakinig sa Mass for Earthquake Victims in China noong Linggo at nag-abuloy para sa mga nasalanta ng lindol sa China. Ang Misa ay espesyal para sa mga biktima ng lindol. Malaking bagay ang mga kontribusyon ng mga mananampalataya pero higit naman ang kanilang mga dalangin. Ang magkakasamang pagdarasal ay nagwo-work ng miracle. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng mga communal mass na ito, mabilis na maitatayng muli ang mga nasira sa Sichuan at maidaraos ang Olympics as scheduled.

Romulo de Mesa

 

Salamat sa inyong detailed news hinggil sa mga nagaganap sa Sichuan. Mula noong maganap ang tragic incident, tinutukan na ninyo ang lahat ng mga sumunod na pangyayari. Nandoroon din sa Sichuan ang inyong roving reporters para sa on-the-spot interviews. Dito lang sa inyong coverage ko nalaman ang aktuwal na nangyari at pati iyong mga eksaktong figures na tulad ng death toll, injured at missing at pati homeless din. Sana magtuluy-tuloy pa ang pagbabalita ninyo rito hanggang sa bumuti ang kalagayan ng Sichuan.

Dave Alonso
Norsagaray, Bulacan

 

Ipinaaabot ko ang pangangamusta sa inyong lahat. Alam ko na dama pa rin ninyo ang hapdi ng pangyayari na lalo pang pinahapdi ng aftershocks at after-effects na tulad ng lawa-lawaan na nabuo mula sa mga lupang gumuho na may kasamang malalaking bato. Alam niyo, higit kong kinatatakutan ang mga lawa-lawaang ito dahil malaking kapahamakan ang idudulot nito pag naipon nang naipon ang tubig. I am hoping and praying na huwag naman sanang humantong sa ganitong pangyayari.

Techie Villareal
West Coast Way, Singapore