• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-11 18:34:15    
White-headed leaf-monkey Park sa Chongzuo

CRI
Upang mapanumbalik ang pinamamahayan ng white-headed leaf-monkey, ginamit ng pamahalaang lokal ang maraming hakbangin. Ang mga hakbanging ito ay hindi lamang nagpapasagana sa pamumuhay ng mga mamamayang lokal, kundi napahupa ng kontradiksyon ng mga tao at unggoy at sa gayo'y bumubuti nang bumubuti ang kapaligirang ekolohikal at unti-unting napanumbalik at pinalawak ang pinamamahayan ng mga unggoy na ito, dumarami nang dumarami ang bilang nito.

Sa kasalukuyan, kusang-loob na pinangangalagaan ng mga magsasakang lokal ang kapaligirang ekolohikal at mga unggoy. Sinabi ng taganayon na si Ginoong Zhao:

"Sa kasalukuyan, dapat pangalagaan namin ang yamang ekolohikal para bigyan ang mga white-headed leaf-monkey ng isang mabuting kapaligiran sa pamumuhay."

Noong 2002, itinatag ng Chongzuo ang isang parkeng ekolohikal ng white-headed leaf-monkey at unti-unting umuunlad ang industriya ng paglalakbay na ekolohikal. Kaugnay nito, sinabi ni dalubhasa Pan na ang pagsisimula ng paglalakbay na ekolohikal ay nakapagdudulot ng bagong pagkakataon ng hanap-buhay sa mga magsasakang lokal at unti-unting pagbuti ng pamumuhay nito at sa gayo'y ibayo pang pinalawak ang saklaw ng sonang reserba at dinaragdag ang mga uri ng biyolohiyang lokal.

"Kami'y hindi lamang maaaring mangalaga sa ganitong hayop, kundi unti-unting makapagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang lokal. Ang paglalakbay na ekolohikal ay isang ganitong bagong pagkakataon."

Kasabay nito, nagpaalaala si Pan na pinakamahalaga para sa pagpapaunlad ng industriya ng paglalakbay na ito ay dapat may maliwanag na layunin, maayos na pagpapalakad at hindi labis na paggagalugad. Sa gayong paraang lamang, saka hindi masisira ang likas na lagay at saka lamang ipagtutuloy ang buong ekolohiya.

Ang kaibig-ibig na white-headed leaf-monkey ay kaibigan ng sangkatauhan. Sa Chongzuo ng Guangxi, makipamuhayan nang may harmonya ang mga magsasakang lokal at ganitong unggoy at bumuo ng isang magandang larawang ekolohikal.