Mga sangkap
250 gramo ng ulo ng isdang tubig-tabang 100 gramo ng basang-basang bean thread 10 gramo ng kulantro 5 siling labuyo 10 gramo ng toyo 6 gramo ng asin 2 gramo ng vetsin 10 gramo ng asukal 50 gramo ng langis 5 gramo ng hiniwa-hiwang scallions 5 gramo ng luyang hiniwa-hiwa nang pino 1 gramo ng durog na paminta
Paraan ng pagluluto
Alisan ng kaliskis at hasang ang ulo ng isda at hugasan. Hiwa-hiwain ang kulantro sa maliliit na piraso. Alisin ang mga buto ng siling labuyo at hiwa-hiwain sa mga pirasong isang sentimetro ang haba. Initin ang langis sa kawa at igisa ang ulo ng isda hanggang sa maging kulay brown ang magkabilang gilid. Alisin. Lagyan ng mga siling labuyo, scallions at luya at igisa hanggang sa pumula ang langis at lumutang ang bango. Ilagay ang ulo ng isda, buhusan ng 1000 gramo ng tubig at lagyan ng toyo at asin. Pakuluin sa malakas na apoy. Pagkaraang kumulo ang tubig, lutuin sa loob ng 10 minuto at tapos, ihulog ang bean thread at bawasan ang apoy. Lutuin sa loob ng isa pang minuto pagkaraang kumulo muli. Lagyan ng durog na paminta at kulantro. Isalin sa soup bowl at isilbi.
Katangian: may magandang kulay pula.
Lasa: kaunting maanghang.
|