• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-11 18:43:50    
Hunyo ika-2 hanggang ika-8

CRI
Si Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV, ay lumisan noong Lunes ng Nanjing, isang lunsod ng lalawigang Jiangsu ng Tsina, at natapos ang kanyang 4 na araw na opisyal na pagdalaw sa Tsina. Sa paanyaya ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), mula noong ika-30 ng Mayo hanggang noong Lunes, isinagawa ni Nong Duc Manh ang opisyal na mapagkaibigang pagdalaw sa Tsina. Sa panahong ito, nag-usap si Hu Jintao at Nong Duc Manh, at sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo kay Nong Duc Manh sina Wu Bangguo, tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, Premiyer Wen Jiabao, at Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Ipinalabas pa ng Tsina at Biyetnam ang magkasanib na pahayag.

Nagpalabas noong Martes ng mga artikulo ang pangunahing media ng Biyetnam na lubos na nagpupuri sa katatapos na pagdalaw sa Tsina ni Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam. Ipinalalagay nilang ang pagdalaw na ito ay nakakabuti sa ibayo pang pagpapatatag at pagpapalalim ng relasyon ng Biyetnam at Tsina at pagpapasulong ng komprehensibo at estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.

Ipininid noong Miyerkules sa Jakarta ang dalawang araw na ika-3 pulong ng mga mapagkaibigang di-pampamahalaang organisasyon ng Tsina at ASEAN. Nilagdaan ng mga kalahok ang plano ng pagtutulungan ng mga mapagkaibigang di-pampamahalaang organisasyon ng Tsina at ASEAN mula taong ito hanggang susunod na taon na magplano ng mga aktuwal na aktibidad ng pagpapalitan at pagtutulungan sa susunod na taon. Sa kaniyang talumpati sa pulong na ito, sinabi ni Gu Xiulian, puno ng Asosyasyon ng Tsina at ASEAN, na natamo ng relasyon ng dalawang panig ang mabilis na pag-unlad sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng mga pamahalaan at sibilyan at mabilis na umunlad ang pagtitiwalaang pulitikal at pagtutulungang pangkabuhayan at pinaunlad at pinabuti ang mekanismo ng pagtutulungan ng "10+1" na pangsibilyan ng dalawang panig. Kasabay nito, pinasalamatan niya ang pagtulong ng iba't ibang pamahalaan ng ASEAN at kanilang mga mamamayan, kasama ng komunidad ng daigdig, sa nilindol na purok ng lalawigang Sichuan.

Ayon sa salaysay noong Miyerkules ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, idaraos sa Kunming, lunsod sa timog kanlurang Tsina, sa ika-6 ng buwang ito ang kauna-unahang porum ng koridor na pangkabuhayan ng Greater Mekong Subregion (GMS). Sa panahon iyan, isasagawa ng mga opisyal at dalubhasa mula sa Tsina, Kombodiya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam ang pagtalakay at pananaliksik hinggil sa kung papaanong gagamitin ang umiiral na bentahe sa transportasyon, yaman at posisyon upang mabawasan at mapawi ang kahirapan, katigan at mapasulong ang magkakasamang pag-unlad sa paligid ng koridor na pangkabuhayan. Ang kooperasyong pangkabuhayan ng GMS ay isang mekanismo ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan na itinaguyod ng Asian Development Bank noong 1992 na magkakasamang nilahukan ng 6 na bansa sa paligid ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Kombodiya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam.

Sa kanyang talumpati noong Biyernes sa ika-8 pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng UN sa Geneva, ipinahayag ni Ke Yousheng, miyembro ng delegasyong Tsino, na aktibong kinakatigan ng kanyang bansa ang ASEAN at UN na gumaganap ng konstruktibong papel sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon pagkaraan ng bagyo sa Myanmar at ang gawaing panaklolo at rekonstruksyon ay mga makataong suliranin, kaya hindi sinasang-ayunan ng Tsina na isapulitika ito. Sinabi ni Ke na sa kabila ng mga kahirapan na dulot ng bagyo, isinagawa noong isang buwan ng pamahalaan ng Myanmar ang reperendum sa bagong konstitusyon at ipinasiyang isasagawa ang pambansang halalan sa taong 2010. Anya, ito ay mga konkretong hakbangin ng pamahalaan ng Myanmar para maipatupad ang 7 puntong roadmap to democracy. Binigyang-diin din ni Ke na ang pundamental na paglutas sa isyu ng Myanmar ay depende sa sariling pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar at dapat maunawaan ng komunidad ng daigdig ang aktuwal na kahirapan na kinakaharap ng Myanmar sa proseso ng konstruksyon ng bansa at pagpapasulong ng pambansang rekonsilyasyon.