Ayon sa salaysay, pagkaraang maganap ang lindol ng Wenchuan, idinaos ng sona ng pagdedebelop ng high-tech ng Chengdu, Punong lunsod ng Lalawigang Sichuan. ang news briefing para magpaalam sa mga may kinalamang panig ang kalagayan ng mga bahay-kalakal.
Bukod dito, agarang idinaos ang talakayan ng mga namamahalang tauhan ng duyuhang bahay-kalakal para mabatid ang mga kahirapang kinakaharap ng mga bahay-kalakal at tulungan silang mapanumbalik ang produksyon. Bagama't nananatili pa ang ilang kahirapan, positibo ang mga dayuhang bahay-kalakal sa pagsisikap ng mga departemento ng sona at lipos sila ng kompiyansa sa kapaligiran ng pamumuhunan sa Chengdu. Sinabi ni Jing Gang na:
"Sa kabuuan, positibo ang lahat ng malalaking dayuhang bahay-kalakal sa Chengdu sa pamahalaan. Pinaplano nilang mag-iulat sa kanilang punong himpilan sa pamaamgitan ng kanilang panloob na sistema na walang problema sa Chengdu."
Ipinahayag din ni Jing Gang na ang epekto ng lindol ay hindi tatagal nang mahabang panahon, nangingibabaw pa rin ang mga bentahe sa Sichuan na gaya ng kompletong imprastruktura, sapat na pagsusuplay ng enerhiya, napakamurang gastusin sa lupa at presyo ng lakas-manggagawa.
Sinabi ni Jiang na :
"Hindi naapektuhan ang aming kapaligiran ng pamumuhunan at hindi nasira ang mga bahay-kalakal, tulad ng dati, Chengdu ay isang lugar na karapat-dapat na pamuhunanan. "
Sinabi ni Jinggang na sa lindol na ito, hindi nasira ang sentro ng lunsod ng Chengdu. Malupit ang kapahamakan, pero, kompleto ang aming mekanismo para harapin ang mga pangkagipitang pangyayari sa sona ng pagdedebelop ng high-tech ng Chengdu at pinatunayan ng katotohanang ang kapaligiran ng pamumuhunan ng Chengdu ay nakakaranas sa pagsubok at magkapagloob ng mainam na pagkatig sa pag-unlad ng mga bahay-kalakal.
|