• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-12 17:44:54    
Pagbati at pasasalamat para sa kaarawan ng Pilipinas

CRI

Ngayong araw ay ika-12 ng Hunyo at ika-110 anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas. Nawa'y maging maligaya kayong lahat.

Kamakaila'y nagdiwang tayo ng ika-35 anibersaryo ng pagkakaroon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas. Umaasa kaming mananatili magpahanggang kailanman ang pagkakaibigan ng 2 bansa.

Ang Tsina at Pilipinas ay pinaghihiwalay lamang ng isang kapirasong dagat, at mula sinaunang panaho'y namumuhay nang mapayapa parang kapatid ang mga mamamayang Tsino at Pilipino. Sa masayang araw na ito ng pagdiriwang ng buong Pilipinas ng Pambansang kaarawan, nakahanda kaming makisama sa inyong pagdiriwang.

Oo, dahil na pinili ng mga mamamayang Pilipino ang isang espesiyal na paraan para magpalipas, kasama ng Tsina, ng kapistahan.

Ang awiting naririnig ninyo ay mula sa Philippine Madrigal Singers o Madz. May 45-taong kasaysayan ang Madz at ipinagmamalaki ito ng mga mamamayang Pilipino. Nagtamo ito ng maraming karangalan din para sa Pilipinas at ang kanilang malambing na tinig ay nanghihikayat ng mga mamamayan ng daigdig. Ang karirinig ninyo ay "Hindi Kita Malilimutan". Siyempre, pamilyar na pamilyar kayo sa awiting ito. Ito ay isang wala-kupas na awit at tulad ng pamagat nito, hindi namin malilimutan ang pagkakaibigang umiiral sa pagitan ng mga mamamayang Tsino't Pilipino. Noong ika-5 ng buwang ito, nagtanghal ang Madz sa Tsina. Ang orihinal na tema ng konsyerto nila ay pagdiriwang ng ika-110 kaarawan ng Pilipinas at ika-35 anibersaryo ng pagkakaroon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, pero, ngayon, binigyan ito ng isang espesiyal na katuturan.

Tama, ang espesiyal na tema ay "mga awiting handog sa Sichuan".

Ang pagbabago ng tema ay ginawa na biglaan, kaya, nabigla ang mga Tsino, bagay na nakabagbag ng puso namin. Hinggil sa pagbabagong ito, sinabi ni Feng Zuoku, Pangalawang Puno ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) na:

"Ngayong hapon lamang saka nakakaalam ako na nabago na ang tema ng pagtatanghal, nabigla't naantig ako. Sa sandaling nangangailangan ang mga mamamayang Tsino ng tulong at pagkatig mula sa labas, ipinasiya ng embahada ng Pilipinas sa Tsina na ihandog ang mga awit sa mga apektadong mamamayan sa mga purok ng kalamidad sa Sichuan. Maraming maraming salamat."

Noong ika-12 ng Mayo, naganap ang napakagrabeng lindol sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina na ikinamatay ng mahigit 60 libong tao. Ito ay pasakit ng Tsina at isang kalamidad ng sangkatauhan. Sa harap ng kalamidad, natamo naman namin ang pakikiramay at tulong mula sa mga mapagkaibigang bansa.

Ang pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas ay nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay at nagkaloob ng walang-pag-iimbot na tulong sa mga apektadong mamamayan. Ang Madz ay naghatid ng gayong damdamin sa mga Tsino.

Ngayong araw, tiyak na nakawagayway ang mga pambansang watawat sa buong Pilipinas. Sa embahada ng Pilipinas sa Tsina naman, umawagayway rin ang pambansang watawat.

Oo, nguni't noong ika-19 ng Mayo ng taong ito habang nagluluksa ang Tsina sa mga nasawi sa lindol, ang pambansang watawat sa embahada ng Pilipinas ay naka-half-mast bilang pakikiisa sa sambayanang Tsino.

Pagkaraang maganap ang lindol, ang pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas pati ang embahada ng Pilipinas sa Tsina ay gumawa nang marami para tulungan ang mga nilindol na purok sa Tsina at nagpapakita ito ng matayog na humanitaryang diwa. Hinggil dito, sinabi ng kanyang kamahalaan Sonia Cataumber Brady, Embahador ng Pilipinas sa Tsina na:

Ipinalalagay kong napakabuti ng pahayag ng embahador na ang buong daigdig ay isang malaking pamilya at dapat magtulungan tayo sa mahirap na sadali at gayon lamang saka magkakasamang mamumuhay nang maligaya ang mga mamamayan ng buong mundo.

Tama. Sa Tsina may isang kawikaang nagsasabing "kung ipadala mo ang rosas sa ibang tao, naiwan ang bango sa iyong kamay." Sa harap ng kahirapan, magtutulong-tulong ang Tsina at Pilipinas, at ang ani nila'y malalim na pagkaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Sa ika-110 kaarawan ng Pilipinas, sa ngalan ng lahat ng mamamayang Tsino, buong pusong bumati kami sa Pilipinas, at umaasa kaming, katulad ng rosas, ang programang namin ay maaaring magdagdag ng kaunting maligayang atomospera sa National Day ng Pilipinas.

Kaya ang tema ng programang ito ay "Rosas, handog sa ika-110 kaarawan ng Pilipinas".

Tama! Sa araw ng ika-110 anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas, ipinadala rin ng mga mamamayang Pilipino ang regalo sa mga mamamayang Tsino. Isinalaysay ito ng embahador:

Sa mga awit ng Madz na handog sa lalawigang Sichuan ng Tsina, may isang kilalang awiting Tsino ng pinamagatang "Buwan, katawan ng puso ko." Ang kagandahang-loob ng mga mamamayang Pilipino ay katulad ng maganda at dalisay na liwanag ng buwang humihilom ng sugatang puso ng mga mamamayang Tsino na nakaranas ng kalamidad.

Sa ngalan ng Serbisyo Filipino ng CRI at mga mamamayang Tsino, nagpahayag kami ng taos-pusong pasasalamat sa mga mamamayang Pilipino.

Tama, ang susunod ay isang awit ng Madz na may pamagat na Rosas bilang regalo sa Pilipinas para sa ika-110 kaarawan at para ipahayag ang pasasalamat namin.

Maraming salamat sa ninyo. Maligayang kaarawan, Pilipinas, at umaasang magiging mas malalim ang pagkaibigan ng Tsina at Pilipinas.