• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-12 17:45:08    
Isang di-karaniwang uri ng unggoy ng Tsina

CRI
Ang white-headed leaf-monkey ay isang nanganganib na uri ng maiilap na hayop sa daigdig.

Ang white-headed leaf-monkey ay namumuhay sa mataas na bundok at lambak ng lunsod Chongzuo ng Guangxi, kaibig-ibig ang mga unggoy na ito, may ilang puting buhok sa ibabaw ng ulo nito, kulay-puti rin ang mga buhok sa leeg at balikat nito at may isang mahaba at puting buntot.

Noong 250 milyong taong nakaraan, namumuhay na ang mga white-headed leaf-monkey sa lupaing ito at nawala na ang mga hayop na kapanahon nito. Sa kasalukuyan, mahigit 700 ganitong unggoy ang natatagpuan lamang sa buong daigdig at ang lahat ng mga ito ay namumuhay sa Chongzuo. Mas bihira ito sa panda na kilalang-kilala sa daigdig.

Ang mga unggoy na ito ay mabuting kaibigan ng mga magsasakang lokal, sinabi ni Ginoong Wang na:

"Dahil alam naming lahat na kakaunti ang bilang ng white-headed leaf-monkey sa buong daigdig at ang lahat ng mga ito ay namumuhay dito lamang. Napakahalaga nito. Iniibig at pinangangalagaan ito namin."

Inilahad ni Ginoong Pan Wenshi, dalubhasa ng Peking University na isinasagawa sa Chongzuo ang gawain sa pangangalaga at pananliksik sa white-headed leaf-monkey noong mahigit 10 taong nakaraan, na noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, may di-kukulangin sa 2000 ganitong unggoy sa Chongzuo.

Datapuwa't lumiit nang malaki ang bilang nito, ipinaliwanag ni Pan na ang dahilan nito ay pagpapalawak ng produksyon ng sangkatauhan. Sinabi ni Pan na upang unti-unting mapanumbalik ang bilang ng nanganganib na uri ng hayop na ito, ang pinakamahalaga'y pagpapanumbalik ng orihinal na espasyo ng pamumuhay nito.