• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-13 17:58:24    
Mga Tagapakinig, Patuloy na Sumusubaybay sa mga Kaganapan sa Sichuan

CRI
"Magandang gabi. Bilang tugon sa panawagan ni Pope Benedict XVI, inaanyayahan ko kayo para sa ilang saglit na pagdarasal para sa mga biktima ng lindol sa China. Manalangin tayo..."

Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa special edition ng Dear Seksiyong Filipino 2008.

Bukod sa kanilang mga mensahe ng pakikiramay, gusto ko ring pasalamatan ang mga tagapakinig sa kanilang patuloy na pagsubaybay sa pag-unlad ng mga pangyayari sa Sichuan at sa pagpapahayag nila ng optimism sa nalalapit na Beijing Olympics. Ang kanilang encouraging remarks ay malaking morale booster sa mga biktima ng lindol at sa organizer ng Olympics.

Labing-walong araw na ang lumipas sapul nang salantahin ng malakas na lindol ang Sichuan Province ng Tsina, kaya ang pokus ngayon ng gawain ng mga may kinalamang ahensiya ng gobyerno ng Tsina ay dumako na sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan sa mga apektadong lugar. Ibig sabihin, puspusan na ang mga gawain na may kinalaman sa pagpapakalat ng medical teams sa iba't ibang purok na apektado ng lindol, pagbobomba ng disinfectant sa mga lugar na nilindol at paligid ng mga ito, pagsugpo sa mga nakahahawang sakit at pagkontrol sa epidemiya.

Kung makakaapekto ang kaabalahang ito sa isinasagawang paghahanda para sa Olympics, ganito ang sabi ng tagapakinig na si super DJ Happy:

"Kahit abalang-abala ang lahat sa gawain ng pagsasaayos sa kalagayan ng mga tao sa lugar na nilindol sa China, hindi rin naman napapabayaan ang ginagawang paghahanda para sa Olympics. Nagpatuloy na ang Olympic torch relay pagkaraan ng mourning period at patuloy pa rin naman ang Olympic countdown. Lahat kami ay umaasa na maidaraos ang Beijing Olympics ayon sa plano kahit pa dumaan sa malaking trahedya ang bansa. Lubos ang tiwala ko sa kakayahan ng Tsina sa pagharap sa kalamidad na tulad ng lindol, kaya naniniwala akong madali itong makakabangon."

Kamakailan, may naganap na aftershocks sa mga lugar na malapit sa epicenter ng lindol at ang mga pagyanig na ito ay naganap habang nagsusumikap naman ang mga may kinalamang tauhan ng gobyerno na maalis ang mga lupa at n gati nakahambalang sa daanan ng tubig ng mga ilog. Nasubaybayan ng tagapakinig na si Jojo Tempura, isang junk shop owner, ang mga development na ito at sinabi niya na sa kabila nito, hindi rin sumasagi sa kanyang isip na hindi matutuloy ang Olympics.

"Narinig ko ang hinggil sa aftershocks at quake lakes sa mga lugar na niyanig ng lindol sa China. Sa kabila ng mga development na ito, ni minsan, bilang indibiduwal, hindi ko inisip na hindi matutuloy ang Olympics. Para sa akin, kailangang matuloy ang palaro dahil iyong tourism revenue na magmumula rito ay higit na makakatulong sa reconstruction ng Sichuan at iba pang lugar na naapektuhan ng lindol. Sa tingin ko, sa pangkalahatan, hindi maaapektuhan ang momentum ng buong bayan na manonood."

Kanina, sinimulan natin ang ating programa sa magkakasamang pagdarasal para sa mga biktima ng lindol sa Sichuan. Naniniwala tayo na ang dasal, lalo't ginagawa nang magkakasama, ay isang epektibong lakas na ispirituwal na maaring makalikha ng malaking milagro. Ganyan din ang paniwala ng tagapakinig na si Romulo de Mesa, isang ref and airconditioning expert. Sinabi niya:

"Maraming nakinig sa Mass for Earthquake Victims in China noong Linggo at nag-abuloy para sa mga nasalanta ng lindol sa China. Ang Misa ay espesyal para sa mga biktima ng lindol. Malaking bagay ang mga kontribusyon ng mga mananampalataya pero higit naman ang kanilang mga dalangin. Ang magkakasamang pagdarasal ay nagwo-work ng miracle. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng mga communal mass na ito, mabilis na maitatayng muli ang mga nasira sa Sichuan at maidaraos ang Olympics as scheduled."

Maraming-maraming salamat sa inyong pagpapaunlak, Jojo, Romulo at Happy.

Ngayon, tingnan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates:

Sabi ng 919 426 0570: "Patuloy pa rin ang aking dasal at pag-asa para sa Sichuan, China. Inuulit kong pansamantala lang ang lahat ng mga ito."

Sabi naman ng 917 981 9008: "Thanks for keeping us anchored on developments in Sichuan. I am deeply concerned."

Sabi naman ng 0086 134 2612 7880: "I am overwhelmed. Patuloy pa rin ang pagdating ng messages of sympathy mula sa friends of China!"

Sabi naman ng 917 351 9951: "Maagapan sana ang after-effects ng lindol. Ito ngayon ang concern naming lahat."

At sabi naman ng 917 401 3194: "Once again, pagsama-samahin natin ating mga tinig, puso at damdamin at tayo'y manalangin para sa mga biktima ng lindol sa Sichuan. With all sincerity this time."

Tunghayan naman natin ang ilang short notes.

Sabi ni Dave Alonso ng Norsagaray, Bulacan: "Salamat sa inyong detailed news hinggil sa mga nagaganap sa Sichuan. Mula noong maganap ang tragic incident, tinutukan na ninyo ang lahat ng mga sumunod na pangyayari. Nandoroon din sa Sichuan ang inyong roving reporters para sa on-the-spot interviews. Dito lang sa inyong coverage ko nalaman ang aktuwal na nangyari at pati iyong mga eksaktong figures na tulad ng death toll, injured at missing at pati homeless din. Sana magtuluy-tuloy pa ang pagbabalita ninyo rito hanggang sa bumuti ang kalagayan ng Sichuan."

Sabi naman ni Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore: "Ipinaaabot ko ang pangangamusta sa inyong lahat. Alam ko na dama pa rin ninyo ang hapdi ng pangyayari na lalo pang pinahapdi ng aftershocks at after-effects na tulad ng lawa-lawaan na nabuo mula sa mga lupang gumuho na may kasamang malalaking bato. Alam niyo, higit kong kinatatakutan ang mga lawa-lawaang ito dahil malaking kapahamakan ang idudulot nito pag naipon nang naipon ang tubig. I am hoping and praying na huwag naman sanang humantong sa ganitong pangyayari."

Maraming-maraming salamat din sa inyo, Dave at Techie at sa lahat ng mga iba pang nagpadala ng mga mensahe ng pakikiramay.

At hanggang diyan na lang ang ating munting palatuntunan para sa gabing ito. Maraming-maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.