Mula noong Martes hanggang Huwebes, idinaos sa Shijiazhuang, lunsod sa hilagang Tsina, ang Simposyum ng Pandaigdigang Saklolo ng Armadong Lakas ng ASEAN, Tsina at Timog Korea o 10+3". Ang mga opisyal na pandepensa at komander ng tropang panaklolo mula sa 10 bansang Asean, Tsina, Hapon at Timog Korea at opisyal ng sekretaryat ng Asean ang lumahok sa simposyum na ito. Ang tema ng naturang 3-araw na simposyum ay pragmatikong kooperasyon ng mga hukbo ng 10+3 sa pandaigdig na pagbibigay-saklolo, at isinagawa sa simposyum ang pagtalakay at pagpapalitan hinggil sa seguridad na pambatas, pagtatatag ng mekanismong tagapagkoordina at pamantayang proseso ng pandaigdig na pagbibigay-saklolo ng mga hukbo sa balangkas ng 10+3.
Binigyan ng mga dayuhang kinatawan ng panig militar ng mataas na papuri ang papel ng hukbong Tsino sa pakikibaka laban sa lindol at gawaing panaklolo. Ang mga opisyal na pandepensa at komander ng tropang panaklolo ng 10+3 at opisyal ng sekretaryat ng Asean ang lumahok sa naturang 3-araw na simposyum at tatalakayin nila ang hinggil sa kooperasyong pandaigdig sa pagbibigay-saklolo.
Sa "Simposyum ng pandaigdigang saklolo ng armadong lakas ng ASEAN, Tsina at Timog Korea o 10+3" na idinaos kahapon sa Shi Jiazhuang, lunsod sa hilagang Tsina, iniharap ng kinatawang Tsino ang konsepto hinggil sa Standing Operating Procedure o SOP ng ng pandaigdigang kooperasyong panaklolo ng 10+3 at nanawagang pabilisin ang pagbalangkas ng SOP. Ipinahayag ni koronel Chen Shengwu, na may mahalagang katuturan ang pagbalangkas ng SOP sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyong panaklolo ng armadong lakas ng 10+3, lubos na pagganap ng papel ng armadong lakas sa saklolong panrehiyon at pagpapataas ng kakayahan ng pagharap ng kalamidad na panrehiyon.
Sa "Simposyum ng Pandaigdigang Saklolo ng Armadong Lakas ng ASEAN, Tsina at Timog Korea o 10+3" na idinaos kahapon sa Shi Jiazhuang, lunsod sa hilagang Tsina, iniharap ng kinatawang Tsino ang proposal hinggil sa Standing Operating Procedure o SOP sa pandaigdigang kooperasyong panaklolo at nanawagang pabilisin ang pagbalangkas ng SOP. Ipinahayag ni kalahok na koronel Chen Shengwu, na may mahalagang katuturan ang pagbalangkas ng SOP sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyong panaklolo ng armadong lakas ng 10+3, sa lubos na pagpapatingkad ng papel ng armadong lakas sa saklolong panrehiyon at sa pagpapataas ng kakayahan ng pagharap sa kalamidad na panrehiyon.
Ipininid kahapon12 sa Shijiazhuang, lunsod sa hilagang Tsina, ang Simposyum ng Pandaigdigang Saklolo ng Armadong Lakas ng ASEAN, Tsina at Timog Korea o 10+3". Kaugnay ng mga natamong bunga ng nasabing pulong, inilahad ni Major General Cui Yafeng ng People's Liberation Army o PLA ng Tsina na sang-ayon ang nakararaming kalahok na bansa na makilahok ang mga sandatahang lakas sa pandaigdigang panaklolo sa kalamidad at nanawagan silang itatag ng 10+3 ang kinauukulang mekanismong koordinado at balangkasin ang mga may kinalamang batas at regulasyon sa iba't ibang antas sa lalong madaling panahon.
Noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa 890 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina at Biyetnam na lumaki nang 1.4 ulit kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Noong panahong iyon, ang halaga ng kalakalan ng Guangxi at Biyetnam ay umabot sa mahigit 80% ng kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Guangxi at ipinakikita nitong ang Biyetnam ay nananatiling pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng Guangxi.
Isiniwalat ngayong araw11 ng Kamara de Komersiyo ng Tsina sa Kambodia na nangangalap ito ng pondo para itatag ang isang paaralan sa nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan ng Tsina at umabot na sa 550 libong dolyares ang nakolektang pondo.
|