Ang lunsod ng Lausanne sa kanlurang Swiss ay kinaroroonan ng punong himpilan ng International Olympic Committee, IOC at Pandaigdigang Museo ng Olympiyada, kaya, tinatawag itong punong lunsod ng Olympiyada. Kamakailan, mahigit 800 overseas at ethnic Chinese at iba pang mga taong mapagmahal sa Tsina ang nagtipun-tipon doon para magpahayag ng kanilang pagkatig sa Beijing Olympic Games.
"Hala bira, Sichuan! Hala bira, Oympiyada! Hala bira, Beijing! Hala bira!"
Ito ang pinakamaraming hinihiyaw na islogan sa pagtitipon. Sa alas-2 pm, mga 600 o 700 overseas at ethnic Chinese, mag-aaral at employee na Tsino mula sa Lausanne, Geneva, Zurich, Basel, Fribourg ang nagtipun-tipon sa maliit na liwasan sa labas ng pandaigdigang museo ng Olympiyada. May dala silang pambansang watawat ng Tsina, watawat ng IOC, watawat ng Beijing Olympic Games, pambansang watawat ng Swiss at iba pa. Bago ang pagsisimula, tahimik na nagluksa ang lahat ng kalahok nang isang minuto sa mga nasawi sa lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina. pagkaraan nito, pumunta sila sa punong himpilan ng IOC. Sa proseso, walang humpay na humiyaw silang "Hala bira, Tsina!" at "welcome to Beijing" sa wikang Tsino, Pranses at Ingles.
Nang pumarito ang mga kalahok sa labasan ng punong himpilan ng IOC, binasa ng kinatawan ng mga tagapag-organisa ang isang bukas na liham kay Jacques Rogge, pangulo ng IOC na nagpapahayag ng pagkatig at pagmamahal ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat sa Beijing Olympic Games.
"Sa punong lunsod ng Olympiyada, gusto nating magpapahayag ng pagkatig sa Beijing Olympic Games, ang Olympic Games ay isang kapistahang pampalakasan, hindi dapat iugnay ito sa elementong pampulitika. Buong pagkakaisang ipinalalgay naming ang Olympic Games ay dapat maging kapistahan ng mga mamamayan mula sa iba't ibang kultura at relihiyon para sa pantay-pantay na kompitisyon at pagpapatibay ng pagkakaibigan.
Ang estadong Vaud ng Swiss at lalawigang Shaanxi ng Tsina ay sister province. Ang Shaanxi ay isa sa mga purok ng kalamidad sa napakalaking lindol ng Sichuan. Si G. Rene Pfiffer ay tagapangulo ng samahan ng Vaud at Shaanxi, lumahok din siya sa pagtitipong ito. Sinabi niya:
"Sasalubungin ng Tsina ang Beijing Olympic Games, kasingsaya naming sa mga mamamayang Tsino. Ang Tsina ay isang dakilang bansang may 5 libong taon na kasaysayan. Nananalig akong tiyak na magiging matagumpay ang Beijing Olympic Games. Samantala, nagpahayag din ako ng pakikiramay sa mga biktima sa malaking lindol na naganap sa lalawigang Sichuan ng Tsina.
Ukol sa gaganaping Beijing Olympic Games, magkakasunod na nagpahayag ang mga overseas at ethnic Chinese sa Swiss ng pag-asa at pagbati. Sinabi ni Mu Shuping, kinatawan ng mga mamamayang Tsino sa sektor ng komersyo na:
"Kami ay isang parte ng mga mamamayang Tsino. Sapul nang magtagumapy ang Tsina sa pag-aalok ng Olympic Games. Inaasahan ng lahat ng mamamayang Tsino ang maalwang pagdaraos ng Beijing Olympic Games. Nitong ilang taong nakalipas, nakita natin ang pag-unlad ng inang-bayan, nakita din ito ng buong daigdig.
Ipinalalagay naman ni Dong Zhizhong, kinatawan ng mga mag-aaral na Tsino sa Swiss na ang banal na tungkulin ng Olympiyada ay pagbuklurin ang buong sangkatauhan. Sinabi niya:
"Isang mundo, isang pangarap! Nangangailangan kami sa isa't isa. Dapat tayong magtulong-tulong at magmahalan. Sa tingin ko, nangangailangan ang Tsina ng daigdig at nangangailangan din ang daigdig ng Tsina. Kung magkakasama tayong magkakapit-kamay, tiyak na magiging mas maganda ang buong daigdig.
|