• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-17 14:47:52    
Claire Santos: ang pinakamahalaga sa lahat ay masolusyonan ang mga immediate problems

CRI
Dear Kuya Ramon,

Paminsan-minsan, pinipilit ko ring kalimutan ang nangyari sa Sichuan pero pag ganitong may mga balitang lumalabas na tulad ng aftershocks, hindi maaring hindi mo maalala ang mga biktima ng disaster na ang bilang ay mahirap ma-imagine. Noong una parang ayaw ko pa ngang maniwala, pero, later, naniwala na rin ako dahil hindi magsisinungaling ang pictures. Yes, from the lens!

Iniisip ko kung paano na ang Olympics at Paralympics na gaganapin sa Beijing sa August at September. Okay naman daw sa Beijing at kahit naramdaman din doon ang lindol, wala namang report ng damages at isa pa, very optimistic naman ang lahat ng mga may kinalaman sa pag-o-organize ng Games. Siguro patuloy pa rin ngayon ang pagtakbo ng Olympic torch sa iba't ibang lugar ng China at marami rin namang tagapakinig ang naniniwala na magbubukas ang Beijing Olympics as scheduled.

Sa June 9 at June 12, ipagdiriwang natin ang Filipino-Chinese Friendship Day at Philippine Independence Day. Tiyak, kahit papaano, may celebration sa Pinas ng Friendship Day, pero hindi ko lang alam sa Beijing dahil hindi pa naman natatapos ang problemang likha ng lindol at parang hindi magandang magdaos ng kasiyahan. Ang Philippine Independence Day ay working holiday dahil sa holiday economics.

At any rate, ang pinakamahalaga sa lahat ay masolusyonan ang mga immediate problems: sa China, iyong pag-asikaso sa mga biktima ng lindol at sa Pinas, iyong krisis sa bigas at petrolyo.

Happy Independence Day sa lahat...

Claire Santos
Pulong Bulo
Angeles City, Pampanga