Mga sangkap
250 gramo ng murang soy beans na di pa inaalisan ng shell 15 gramo ng asin 2 gramo ng vetsin 5 gramo ng buto ng anis 2 gramo ng fennel 1000 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Hugasan ang murang soy beans at tanggalin ang mga dulo para makapasok sa beans ang lasa habang niluluto. Pakuluin sa palayok ang tubig at pagkaraang kumulo, lagyan ng asin, buto ng anis, fennel at tapos isunod ang murang soy beans at lutuin sa loob ng 20 minuto. Lagyan ng vetsin at patayin ang apoy at pagkatapos, ibabad sa loob ng 30 minuto. Isalin sa plato at isilbi. Ang paraan ng pagluluto nito ay katulad ng sa "Boiled salty peanuts".
Katangian: may magandang kulay berde at malambot ang murang soy beans.
Lasa: maalat at masarap.
|