Ang napakalakas na lindol na naganap noong ika-12 ng nakaraang buwan sa lalawigang Sichuan ay hindi lamang nagdulot ng malaking kasuwalti at kapinsalaang pinansyal, kundi grabeng nasira ng mga relikya sa mga nilindol na purok. Sa kasalukuyan, aktibo ang lalawigang Sichuan sa pagsagip at pangangalaga ng mga relikya roon.
Ang naganap na lindol na may lakas na 8.0 sa richter scale ay idinulot ang grabeng kapinsalaan ng lokal na pamanang kultural. Isinalaysay ni Wang Qiong, Pangalawang direktor ng Sichuan Cultural Relics Bureau, na:
"Ang napakalakas na lindol ay isang malaking kapahamakan. Sa 128 lugar na may mga historikal na relikya sa ilalim ng proteksyon ng estado, may 79 ang napinsala na umaabot sa 62% ng kabuuang bilang. Halimbawa, ang lugar na pinaglalagyan ng mga relikya sa Beichuan ay nabaon na buo"
Kilala ang Sichuan sa "Kultura ng Ba at Shu" at ang mga bantog na manunulat na sina Li Bai at Su Shi ay taga-Sichuan. Sa mga sinirang lugar sa lindol, marami ang mahalagang bantog na makasaysayang pook at ang Dujiangyan ay pinakakilala. Ang Dujiangyan ay isang proyekto ng irigasyong may kasaysayan ng mahigit 2 libong taon at hanggang ngayo'y gumaganap pa ng mga papel gaya ng pagkontrol sa baha at irigasyon. Sa kabutihang palad, napinsala itong kaunti sa lindol na ito. Ngunit ang isa pang pamana ng daigdig na bundok ng Qingcheng--kilalang bundok ng Taoismo ng Tsina ang nakapinsala nang malubha. Nakararaming arkitektura nito ang naging guho.
|